Sa murang edad na 11, nakapagpatayo na ng bahay ang child star na si Jana Agincillo na nakilala natin sa mga palabas na “Ningning” “Dream Dad” “Honesto” “Goin’Bulilit”, “Bagani” at “Starla”. Gumanap na rin sya ng ilang beses sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya o MMK.

credit to janapatching | ig
Nakakabilib ang kanyang galing sa pag-arte kaya naman ay kinilala sya at naparangalan na rin ng ilang beses. Ilan lamang sa mga nominasyon sa kanya ay ang Tia Madre, 2019 kung saan nominated sya bilang Best Actress, at Nervous Translation, 2017 nominated bilang Best Actress.

credit to janapatching | ig
Kinilala ang kanyang husay sa pag-arte sa mga karakter na kanyang ginampanan. At sa murang edad pa lamang ni Jana ay namulat na ito sa pagtulong sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina.
Samantala, kamakailan lang ay ibinahagi nito sa kanyang IG account ang pagpapatayo nito ng kanilang bahay.
“Kahit Maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud & grateful. Thank you, Jesus, for making way and aligning everything I love you Jesus may masisilungan na kami. TO GOD BE ALL THE GLORY. Namaste Universe,” caption nito sa kanyang post.

credit to janapatching | ig
Mapapansin din ang matibay na pananampalataya ni Jana at madalas itong nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap, malaki man o maliit.
Nagpapasalamat din ito dahil magkakaroon na sila ng sariling bahay na kanilang masisilungan. Kahit hindi man ito kalakihan, proud ito na ibinahagi ang kanyang pinaghirapan.

credit to janapatching | ig
“Naniniwala ako na makakabangon tayo ng sabay sabay at gagawa ng paraan ang Maykapal para magkaunawaan na ang bawat isa, dahil sa huli tayo tayo rin ang magkakasama at magtutulungan”, wika pa nito.

credit to janapatching | ig
Nakakabilib talaga si Jana Agoncillo hindi lamang bilang artista ngunit isang mabuting bata. Marahil ay iilan lamang ang tao na sa ganyang murang edad kagaya nya ay may pag-iisip na makapagpatayo ng bahay para sa pamilya.
Tunay ng ana ang tagumpay ay walang kinikilalang edad kapag nagtityaga at nagtitiwala sa Maykapal na syang nagbibigay ng mga biyaya.