Connect with us

Entertainment

38th Birthday ni Richard Gutierrez, Ipinagdiwang Kasama Ang Buong Pamilya

Ang ating pamilya ay may malaking parte sa buhay natin. Ang ating mga magulang, mga anak at ang ating kabiyak. Madalas kapag ang isa sa miyembro ng ating pamilya ay nagdiriwang ng kaarawan ay pinaghahandaan natin ito. Hindi mababayaran ang mga ngiti sa labi ng mga taong nagdiriwang ng kanilang kaarawan lalo kung kasama ang kanilang katuwang sa buhay o ang buong pamilya.

Kapag ating asawa ang magdiriwang ng kaarawan, malayo pa ay pinaghahadaan na rin natin ito. Kung anu-anong pakulo o surpresa ang iniisip natin para sa kanila. Sino nga ba ang gustong maging malungkot ang iyong asawa o karelasyon sa kanyang kaarawan? wala tayong ibang gustong gawin kung hindi ang pasayahin sila at gawing espesyal ang kanilang araw.

Nito lamang nakaraan ay nagdiwang ng kaarawan ang asawa ni Sarah Lahbati na si Richard Guitierrez. Makikita sa kanyang greeting post na masaya ang dalawa at talagang nag-aalab pa din ang pagmamahal para sa isat isa. Looking young pa din ang dalawa kahit mayroon na silang dalawang supling.

Sa IG post ng aktres na si Sarah Lahbati “ happy birthday, my love. Lucky to be your wife and best friend. Zion, kai and I love you so much! May God continue to bless & guide you. And may all your dreams come true. “ pagbati niya sa kanyang asawa.


Hindi rin naman papahuli ang mga nitizens sa kanilang mga mensahe o pagbati sa actor.

“happy Birthday chard ! GOD BLESS YOU MORE!”,
“Happy birthday bro”, at madami pang iba.

Matatandaang si Sarah Lahbati ay unang nakita sa reality show na StarStruck 5th season ng GMA Network. Samantalang si Richard Guitierrez naman ay matagal ng actor at isa sa mga anak ni Eddie Guttierez, noong March 2020 ikinasal si Sarah at Richard at ngayon ay mayroong dalawang anak na sina Zion at Kai.

Napakalaking bagay sa ating mga kabiyak ang mabigyan sila ng oras at panahon. Lalong lalo na sa mga araw ng Anniversarry, Monthsary at lalo na ang kanilang kaarawan. Ang simpleng pagbati at paghahanda ng simpleng handaan ay malaking bagay na para mapangiti natin at maiparamdam ang ating pagmamahal sa ating mga asawa o karelasyon. Ang mga araw na ito ay nagiging memorable sa kanila at nagdadagdag sa kanilang mga alala.

Source: Sarah Labahti Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending