Connect with us

Entertainment

Actress na si Kim Delos Santos ng “T.G.I.S” noon, Licensed Practical Nurse na sa Amerika ngayon

Ilan sa ating mga kilalang artista ay hindi ipinagpapatuloy ang pagtahak sa mundong ito sa iba’t ibang kadahilanan. Marahil ang iba ay may ibang nais tahakin, ang iba ay mas nais magtrabaho o mag-aral, mag-explore sa ibang larangan. Mula sa pag-aartista ay may mga kilala tayong personalidad na halos walang kinalaman sa showbiz ang sa ngayo’y tinatahak nila.

Kung ikaw ay batang 90’s ay matatandaan mo ang “T.G.I.S” o “Thank God It’s Sabado” na kinabibilangan ng aktress na si Kim Delos Santos. Si Kim ay ipinanganal sa New Jersey sa US at lumaki na lamang sa Pilipinas. Sa pagkukwento ng aktres sa kaniyang naging buhay sa paglisan niya ng showbiz life, lubos ang kanyang adjustment. Hindi ito naging madali ngunit siya na ngayon ay isang medical frontliner sa Amerika.

Noong 2004 niya naisipang umalis ng Pinas para manirahang muli sa Amerika. Mula sa taong ito ay iba’t ibang raket o mga trabaho na ang kanyang nasubukan. Ngunit iba pa rin talaga kapag ang isang tao ay mayroong diplomang pinanghahawakan. Mas nagkakaroon tayo ng daan sa bukas na mundo ng pagkakaroon ng magandang trabaho. Taong 2009 ay naisipan ni Kim na magaral para naman tahakin ang pagiging isang Licensed Practical Nurse. At hind nga nabigo si Kim sapagkat sa parehong taon ay nakuha din niya ang kanyang lisensya. Mula 2010 hanggang sa kasalukuyan ay nagtatrabaho na siya bilang isang Dialysis nurse. Hindi lamang sa pagiging Licensed Practical Nurse si Kim, isa din siyang Registered Nurse sa Amerika.

Hirap at pagpupursigi ang kalasag ni Kim upang maabot ang estado ng buhay na tinatahak niya ngayon. “At first medyo mahirap siya as in, kasi hindi naman ako nakapagtapos sa Pilipinas, eh, so, I have to start from the bottom up.”, pagkwento ni Kim.

Nakakatuwang ang pagpupursigi ni Kim sa larangan ng Medical sapagkat hindi pa natatapos ang kanyang pagpupursigi sa pagiging Nurse dahil bumalik siyang muli sap ag-aaral para naman maging isangPsychiatric Mental Health Nurse Practotioner.

“Ngayon ay nag-aaral na naman ako ulit. I’m back in school again to be a Psychiatric Health Nurse Practitioner”, dagdag pa niya. Nais ni Kim na makatulong sa mga taong may health problem dulot ng pandemya. “Ang hindi napapansin ng mga tao, malaking epekto sa mga bata rin, because they are not going to school right now and they’re home and they are isolated. Kung may siblings sila, syempre okay lang. kung wala silang siblings, it’s not good for them, so medyo naninibago sila. “ pagbahagi pa ng aktres.

Sa huli ay sinabi ni Kim na siya ay masayang masaya sa tinatahak niya ngayon at mahal na mahal niya ang kanyang trabaho.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending