Connect with us

Entertainment

Aga Mulach proud sa kanyang kambal na nag-aaral sa ibang bansa at natuto silang kumilos mag-isa

Ang tinaguriang hottest hotthrob noong 90’s at walang kupas ang kagwapuhan hanggang ngayon na si Aga Mulach ay nagbahagi ng saloobin kung gaano nito ipinagmamalaki ang kanyang mga anak na si Andres at Atasha. Paminsan-minsan na lamang lumabas sa telebisyon ngayon ang magaling na aktor pero hindi pa rin ito nalilimutan ng kanyang mga tagahanga.

Sa kwento ibinahagi ni Aga, ang kanilang anak ni Charlene ay kasalukuyang nasa ibang bansa at doon nag-aaral. Noon pa man ay napagdesisyunan ng nilang mag-asawa ang bagay na ito kaya naman madali na sa kanila ang malayo sa kambal tutal naman ay mayroon video call na malaking tulong upang magkamustahan sila.

Ang kambal ay kasalukuyang 21 taong gulang na, si Andres ay nag-aaral ng kolehiyo sa Spain samantalang si Atasha ay nag-aaral sa isang unibersidad sa Nottingham sa United Kingdom sa kursong pagnenegosyo.

Sambit ng aktor “Hindi naging masyadong mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ang mga anak namin at pumasok sa kolehiyo dahil mula nung nag-asawa kami ni Charlene, napag-usapan na namin iyan.

“‘Na at the the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon. “‘Pero ang ibig kong sabihin, ang anak natin, paglaki ng mga iyan, mag-aasawa, iiwan din tayo, magpapamilya. Importante, tayong dalawa magkasama talaga.’ “So, nasanay kami nang ganun,” “Also, at the same time, napakaganda rin ng nangyayari sa ngayon because of the internet also, hindi mahirap.

“Puwede kayong mag-usap araw-araw, puwede kayong magkita on this Facetime, with all these apps, para magkita-kita kayo at magkausap. “Pamilyang malayo sa isa’t isa, nandiyan lahat iyan.”

“Plus again, nung kalagitnaan ng pandemya sa Europa at America, medyo bukas sila nang kaunti so mas nakakaikot ang mga anak ko dun.

“Masaya kami kaysa nakakulong sila dito, mabuting nandun sila at nakakagala sila. “Pangalawa, masaya rin kami more than malungkot dahil alam namin ang mga anak namin, nagiging independent. “Dahil sila lang ang nandun, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat.” – dadag pa ni Aga

Tiwala lamang, kahit na mahirap para sa kanilang mga anak ang malayo at mag-isang mamuhay naniniwala ang mag-asawa na para sa ikakabuti ni Andres at Atasha. Natuto silang maging responsable sa buhay at tumayo sa sarili nilang mga paa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending