Connect with us

Entertainment

Ai-Ai Delas Alas, labis-labis ang pasasalamat at naiiyak sa pagtatapos ng kanyang Unica iha

Wala ng mas sasaya sa sa isang magulang na mapagtapos ang kanyang anak sa pag-aaral.  Lahat ay akayang gawin ng isang ina, maitaguyod lamang at edukasyon ng mga anak at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Kaya naman, labis-labis ang saya ng aktres na si Ai-Ai delas Alas dahil nakapagtapos na rin sa wakas sa kolehiyo ang kanyang bunsong anak na si Sophia Andres Delas Alas na kumuha ng kursong B.S. Education Major in Early Childhood education.

“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter ko (Bachelor of Science Major in Early Childhood Education graduate) 👏👏👏👏SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo .. nag papasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak”, pagbati ni comedy queen Ai-Ai sa kanyang unica iha na si Sophia.

Hindi maintindihan ng aktres ang kanyang nararamdaman dahil sa tagumpay na nakamit ng kanyang anak.

“Naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe 🥲😂 parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak .. bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak”, dagdag pa ni Ai-Ai.

Samantala, hindi rin nakalimot ang aktres na pasalamatan ang ama ng kanyang anak dahil ito ang tumulong din sa kanila noong nasa Amerika sila.

Nag papasalamat din ako kay miguel ( papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng hschool at first year college salamat @priscillasalud .. napa ka agang pang valentines at pa bday ni lord ito pa ra sa akin”, banggit pa ng aktres.

“Salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan … iam so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. i love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE”, pagpapasalamat naman ni Ai-Ai sa paaralan na humubog sa kanyang anak.

Hindi rin nakalimot ang aktres na magpasalamat sa Maykapal na sya umanong gumabay sa kanya sa pagtataguyod ng kanyang anak.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending