Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Katrina Halili, Single Pero Blooming

Madalas napapansin ang isang dalaga na nagiging blooming kapag siya ay nililigawan o kaya naman ay nasa isang relasyon. Dahilan daw ito para maging motivated ang isang tao na lalong mas magpaganda para sa kanilang manliligaw o kasintahan. Ngunit ang aktres na si Katrina Halili, blooming kahit single?

Nagsimulang sumikat ang aktres na si Katrina Halili ng siya ay maging isa sa mga kalahok sa Philippine television reality talent na Star Struck ng GMA7. Kasabayan niya rito sina Sheena Halili, Christine Reyes, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmein Kurdi at marami pang iba.

Hindi pinalad na masungkit ni Katrina ang panalo ngunit dahil sa angking galing niya lalong lalo na sa pagiging kontrabida ay dumami ang mga proyektong dumating sa kanya. Marimar, Darna at Majika, isa ito sa mga palabas na kung saan ay mahusay niyang ginampanan ang pagiging kontrabida.

Isa ka rin ba sa nainis sa kanya habang nanuod? Napakahusay talaga ng aktres n ito. Hinirang din siyang FHM Philippines S€xiest Woman noong 2006 at 2007.

Matatandaang ang aktres ay dumaan sa matind!ng [email protected] Sa kabila ng nangyaring ito sa aktres ay nabigyan siyang muli ng pagkakataong makabangon dahil sa kanyang likas na galing sa pag-arte. Sino nga ba naman ang hindi madadala sa pagiging kontrabida ng aktres.

Napabalita din ang hiwalayang Katrina Halili at Kris Lawrence na magwawalong taon na ang nakalilipas. 35 taong gulang na ang aktres at siya ay nagkaroon ng anak kay Kris Lawrence na si Katrence Lawrence Halili Cadevida o Katie. Bagamat hiwalay na ang dalawa ay hinahayaan pa rin ng aktres na magkita ang mag ama. Hindi nila hinayaang masira ang relasyon ng anak sa kahit na sino sa kanilang dalawa sapagkat in good terms naman sila.

Sa kabila ng pagiging single ni Katrina Halili ay open pa rin naman daw siya sa dating ngunit mas prayoridad niya ang kanyang anak. Mayroon na ring kasintahan ngayon ang actor na si Kris Lawrence at mayroon na rin silang anak na lalaki.

Siya ay ating masusubayabayan sa Prima Donnas sa GMA7 bilang Lilian na surrogate mother na sina Donna Marie, Donna Belle at Donna Lyn.

Source: Sheena Halili Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending