Patok na patok ngayon ang paggamit ng mga online shopping apps. Marami sa atin ang naaaliw sa paggamit nito dahil bukod sa may mga murang items, hindi ka na mahihirapang bumili pa sa pamilihan. Maiiwasan mo din ang pila o makipagsiksikan sa maraming tao. Hindi mo rin maiwasang hindi matuks0ng bumili lalo pa sa magagandang mga larawang nakapost sa apps.
Ngunit ang ilan sa atin ay [email protected] kapag dumarating na o naideliver na ang inorder na item. Minsan kasi ay iba o malayo sa ating expectation ang dumarating sa atin. Mapapa-hashtag ‘Expectation vs. Reality’ ka na lang talaga.
Hindi naman nakaligtas ang mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Maging sila ay nabiktim@ rin ng online shopping.

Ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang Instagram account ang kwento ng kanilang ‘Online Shopping Gone Wrong’.
Una ay ipinakita ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang larawan ng kanyang asawa kung saan nakasuot ito ng maliit na donut floater.
“Malaki problema niya.. hindi namin sure kung makakalabas siya dyan,” caption ni Regine sa kanyang post.
Isang video naman ang sunod na ibinahagi ni Regine Velasquez. Makikita sa video na nakalutang na sa swimming pool ang kanyang asawa habang suot pa rin ang donut floater na pinilit niyang pakasyahin sa kanyang katawan.

“Update ko lang kayo. Nag-enjoy muna siya magpalutanglutang habang nakasuot ang salbabidang maliit. Nakaalis na po siya at ngayon ay masaya nang namumuhay na walang salbabida.”
Nag-enjoy naman si Regine sa kanyang ginagawa kaya naman nagpost pa ito ng isang larawan at nilagyan pa ng nakakatuwang caption.
“Ito pa yung isang picture nya paiyak na talaga sya. Actually hindi ko alam kanino ako mag aalala, sa asawa ko ba na parang hindi na makahinga o sa salbabida? Katapusan mo na ba salbabida? Pero nakalabas naman sya so all is good paalala wala pong [email protected] o nap@hamak na salbabida habang ang kwentong ito ay nilalahad,”

Sinagot naman ni Ogie ang katanungan ng mga netizens tungkol sa kanyang d0nut floater. Sinagot niya ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbahagi ng larawan ng produktong nakita sa online at sa actual na larawan na dumating sa kanila. Narito ang kanyang caption.
“Yaman din lamang at naisiwalat na ng aking mahal ang mga kaganapan kahapon, eto po ang aking side. Umorder ako ng “donutlifesaver” sa lazada ngunit laking gulat ko na eto ang dumating. Kaya ayan, pinilit kong gamitin.”
Hindi naman [email protected] ang Asia’s Songbird dahil gumanti rin ang asawa nito sa pagbahagi ng ‘shopping gone wrong’ ni Regine. Makikita sa isang post ang larawan ni Regine habang hawak ang isang maliit na kaldero na inorder nito online.
“Wag ka masyadong magmalaki mahal. Umorder ka ng kaldero na buong akala mo’y pagkalaki laki. But no, ang liit pala nya. Kaya ayan, sa background naka ngiti si donut salbabbida,” caption sa post ni Ogie.
Source: Regine and Ogie Instagram