Connect with us

Entertainment

Alamin Natin Ang Naging Dahilan Ng Pagbenta Ng Napanalunang House And Lot Ni Lyca Gairanod

Nakilala natin si Lyca Gairanod bilang kauna-unahang grand champion sa isang programa ng ABS CBN na The Voice Kids. Maalalang siya ay kabilang sa Team Sarah ( Sarah Geronimo).

Maaalalang ang inawit ni Lyca sa Blind Auditions ng nasabing programa ay ang ‘Halik’ ng sikat na bandang Aegis. Umikot para sa kanya si coach Sarah dahilan upang mapasama siya sa grupo ng popstar royalty. Nagtuloy-tuloy nga ang swerte ni Lyca at siya ang nanalo bilang kauna-unahang The Voice Kids grand champion. Naging katunggali niya sa Grand Finals sina Darren Espanto na kabilang rin sa Team Sarah, Juan Karlos ng Team Bamboo at Darlene Vibares ng Team Lea.

Nag-uwi si Lyca ng mga bigating premyo gaya ng cash prize at isang house and lot sa isang subdibisyon.

Matatandaang nagmula sa mahirap na pamumuhay si Lyca. Siya at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa Tanza Cavite at ang pangongolekta ng kalakal ang ikinabubuhay ng pamilya ni Lyca Gairanod.
Nabigyan nga siya ng pagkakataong sumali at maipakita ang talento sa pag-awit sa nasabing programa.

Dahil sa pagkapanalo ni Lyca, umusbong ang career nito at nakilala rin siya lalo ng publiko dahil isa na siyang vlogger ngayon ng sariling YouTube channel.

Ngunit may mga balita nga ang lumabas na ibenenta umano ng batang singer ang napanalunan niyang house and lot. Kinumpirma naman ito ni Lyca sa isa niyang naging vlog at ibinahagi rin ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.

“Marami pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay Lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon (new house) pero umuuwi. Ayaw niya po talaga doon.” pagbabahagi ni Lyca.

Ayon sa sinabi ni Lyca, ibenenta niya ang napanalunang house and lot dahil gusto ng kanyang lola na manatili sa dati nilang bahay sa Tanza. Nais rin ng kanyang lola na magkasama sila kaya ito nagawa ni Lyca. Bumili na lamang ang singer ng isang tahanan sa Tanza upang malapit lang umano sila sa kanyang lola.

Hindi naman maipagkakait ang pagmamahal ni Lyca sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang lola. Dahil sa kabila ng ganda ng napanalunang tahanan ay nagawa niya parin itong ibenta upang mas makasama niya ang mahal na lola.

Dahil sa bandang huli, mas importante pa rin ang mga alaala kasama ang mga mahal sa buhay kesa sa ano mang materyal na bagay dito sa mundo.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending