Connect with us

Entertainment

Alden Richards, Nagdiwang Ng Kanyang Ika-30th Birthday!

Ang pagdiriwang ng ating kaarawan ay isang tanda ng pagpapasalamat sa Panginoon sapagkat nadadagdagan ang ating edad. Patunay ito na sa pagdaloy ng panahon ay nananatiling Mabuti ang Diyos sa ating buhay. Bagong buhay, bagong pagkakataon ika nga.

Mayroon tayong iba’t ibang kaparaanan kung paano ipinagdiriwang ang ating kaarawan. Ano man ang ating katayuan sa buhay basta’t kasama ang pamilya at mga kaibigan. May iba ring hindi naghahanda para sa espesyal na araw ngunit naglalaan pa rin ng kaunting oras para pasayahin ang sarili kahit pamilya lamang ang kasama.

Ang Multimedia Star na si Alden Richards ay nagdiwang din ng kanyang kaarawan. Sa kanyang angking galling sa kahit na anong larangan mapa kanta, sayaw at pag-arte ay talaga namang mas minamahal siya ng kanyang mga supporters. Sa bawat pagtapak ng actor sa entablado ay makikita mo ang kanyang dedekasyon at taos pusong effort para sa kanyang mga taga suporta.

Sa California ngdiwang ang actor ng kanyang ikatatlumpong kaarawan. Mapapansing ang actor ay hindi ready para sa isang party ngunit binigyan ng pagkakataon ang sarili na magcelebrate kahit sa simpleng paraan lamang. Isang mahabang kumot at pagpapahinga marahil ang nais ng actor para itreat ang kanyang sarili. Ayon kay Alden:

“ Grateful for 30 fruitful years. Thank you for all the greetings. GOD has always been so good”. At may kaakibat pang pahabol “P.S. First birthday salubong ko pala ‘to.” Wika ng actor.

Nagdiwang ang actor ng kanyang Pasko sa United States kasama ang kaniyang pamilya. Sa panahon ngayon ay napakahirap gumalaw. Subalit kung tayo ay patuloy na lalaban sa hamon ng buhay ay kakayanin natin ang ating araw araw na haharapin. Nasa sa atin nakasalalay ang ating kinabukasan kung kayat dapat ay pasumikapan natin ang lahat ng bagay.

Ang mga kaarawang dumarating ay maaari pa din naman nating ipagdiwang sa kabila ng hamon ng mundo. Makasama lamang ang ating pamilya at mga kaibigan ay sapat na upang magdiwang ng kaarawan. huwag po nating kalimutang magpasalamaat sa ating tagapaglikha sa kanyang buhay na bigay.

Source: Alden Richards Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending