Kamakailan lang ay sumikat ang isang dancer, vlogger na si DJ Loonyo dahil sa angking galing nito sa pagsasayaw na talaga namang nakakabighani lalong-lalo na sa mga kababaihan. Hindi rin maikakaila na ito ay may magandang mukha kaya naman maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya.
credit to Alex Gonzaga | YT
Wika nga ng iba, kung ang mga lalaki ay pinagkakaguluhan si Ivana Alawi, si DJ Loonyo naman ang pinagkakaguluhan ng mga babae, single man o may asawa, bata man o matanda.
Samantala, dahil kakalipat lamang ni DJ Loonyo sa kanyang bagong condo unit na kanyang nabili, nag-request ito ng tagalinis. Ngunit hindi nito inaasahan na si Alex Gonzaga pala ang magpapanggap na cleaner at housekeeper noong araw na iyon.
credit to Alex Gonzaga | YT
Noong una ay nagulat sina DJ Loonyo at ang kanyang mga kasama kung bakit si Alex ang nandoon para maglinis, ngunit kalaunan ay nag-enjoy din sila sa mga nakakatawang ginagawa at pinagsasabi ng comedian, actress at vlogger na si Alex Gonzaga.
credit to Alex Gonzaga | YT
Biniro pa ni Alex si DJ Loonyo kung bakit dalawa ang cellphone nito, at kung maari nitong tingnan ang kanyang cellphone. Hindi naman ipinakita ni DJ Loonyo ang kanyang phone at sinabi na wala umano itong girlfriend.
credit to Alex Gonzaga | YT
Mapapansin din sa vlog na kahit lalaki ang mga kasama ni DJ Loonyo ay malinis at hindi malakat ang kanyang condo unit. Mayroon itong malawak na living room at sinilip din ito ni Alex pati ang kanyang closet.
credit to Alex Gonzaga | YT
Natatakot umano si DJ Loonyo na kung baka ano ang makita ni Alex sa kanyang pag-raid sa kanyang private place. Subalit katuwaan lamang ito at parte ng vlog ng aktres at natatawa din sila sa kakulitan ni Alex.
credit to Alex Gonzaga | YT
Sa bandang huli ng vlog ay nag showdown si DJ Loonyo at Alex sa Kumu App. Todo hataw ang dalawa sa pagsasayaw, lalo na si DJ Loonyo sa pagpapakita ng kanyang sikat na mga dance moves na ginagaya ni Alex.
credit to Alex Gonzaga | YT
Samantala, noong palabas na si Alex, bumalik ito sa kwarto ni DJ Loonyo at pasikretong kinuha ang boxer shorts. Sa kanilang paglabas ay nalaman ito ni DJ Loonyo at tinanong kung may kinuha sila dahil may nawawalang gamit umano ang dancer. Tawang-tawa naman si Alex dahil nabuking ito sa kanyang ginawa.
Maraming mga netizens na naman ang natawa sa vlog na ito ni Alex. Nakakatanggal pagod at problema kapag iyong pinanuod.