Catherine Cruz Gonzaga-Morada o mas kilala ng marami bilang Alex Gonzaga. Sa angking galing ni Alex sa pagpapatawa, sya ngayon ay isa sa mga may pinaka maraming subscribers sa YouTube sa kanyang channel.
Maliban sa mga kilalang vloggers na sina Ivana Alawi, Zeinab Harake at Lincoln Velasquez, si Alex Gonzaga ay may napakarami ding subscribers na umabot na ng mahigit 10 milyon.
credit to alex gonzaga | yt
“I wouldn’t be where I am today if it weren’t for you, and nagbigay sa akin ng purpose in life. Si am very very thankful sa inyong lahat”, pahayag ng aktres bilang pasasalamat sa kanyang mga taga-hanga at taga suporta.
Bilang pasasalamat na din, ibinahagi ng aktres, host, singer, at vlogger ang mga biyayang natatanggap nito.
credit to alex gonzaga | yt
“Hi netizens, dahil nga nag 10 million na tayo, maraming salamat. Ngayon ay mamimigay tayo ng salapi sa ating mga netizens. Iikot tayo ngayon at hahanapin namin kayo,” wika nito sa kanyang latest vlog kung saan siya ay namigay ng pera na umabot sa 100k ang halaga.
Sa kanyang vlog na “My most disliked video & GIVEAWAY” iba’t-ibang tao sa daan ang tinatanong muna ng aktres ng iba’t-ibang katanungan bago nya ibigay ang pera.
credit to alex gonzaga | yt
Ilan sa mga katanungan ay kung nanunuod ba sila sa kanyang mga vlogs, ano ang kanyang latest vlog, ano ang pangalan ng kanyang ina, ano ang pangalan ng kanyang asawa, sino ang kanyang ate, at kung anu-ano pa.
Nagulat ang aktres sa mga tao dahil mas kilala pa nila ang kanyang pamilya kumpara sa kanya. Nagbiro pa ito na naiiyak umano sya dahil mas marami palang fans ang kanyang pamilya dahil sa kanyang vlogs.
credit to alex gonzaga | yt
Tuwang-tuwa naman ang mga tao sa pamimigay ni Alex ng pera dahil sa mga nakakatawang pakikipag-usap nito.
Samantala, nagsimula ang aktres sa kanyang pagba-vlog noong 2017 pa dahil umano ay walang masyadong nanonood sa kanya sa telebisyon.
Kamakailan lang ay naging viral din ang kanyang kasal sa kanyang asawa ngayon na si Mikee Morada.