Connect with us

Entertainment

Alice Dixson Ipinakita ang Kanyang Napakagarang Bahay sa Boracay kung Saan Tanaw ang Napakalawak na Bahagi ng Isla

Kung ikaw ay bibili o magpapatayo ng bahay, saan mo ito gusto?

Isang malaking investment ang pagkakaroon ng sariling bahay para sayo o para sa pamilya mo. Malaking halaga ang kinakailangan at dapat ay pinagdedesisyunan ng maigi kung saan mo ito itatayo o saan mo ito bibilhin.

May mga taong gusto ng bahay na malapit sa syudad, nasa metro, nasa sentro ng mga kalakaran. Ngunit may iba rin naman na gusto ang malayo sa maraming tao, nasa probinsya, o di naman kaya ay nasa isang resort o isla.

Kamakailan lang ay ipinakita ni Alice Dixson sa kanyang vlog ang napakagara at napakagandang bahay na kanyang nabili sa Boracay.

Dahil daw sa maraming request na natatanggap nito mula sa kanyang followers, ay pinagbigyan na din ng aktres ang kahilingan ng mga netizens na maipakita ang kanyang bahay.

Unang ipinakita ng aktres ang kanilang pool area na malapit sa garden kung saan madalas daw itong nasisikatan ng araw kung kaya’t mainam talaga ang maligo at magbabad sa tubig.

Ang bahay ay may malawak na kusina at sa isang sulok ay nandoon ang lugar ni “Blondie”, ang kanyang alagang aso. Mayroon ding guest room na napaka aliwalas at paborito umano ni Alice puntahan dahil napaka relaxing at calming nito dahil napakatahimik din ito na parte ng kanyang bahay.

Napaka-unique din ng kanyang master’s bedroom kung saan ang mga muebles at furniture ay island-inspired at modelo ang disenyo.

“Another reason why our place is so magical is because of the view… by far this is one of the best views on the island”, wika ni Alice habang ipinapakita ang malawak na karagatan na ntatanaw sa kanyang bahay.

Talaga naman napakaganda nito dahil nasa mataas na lugar ito at kitang-kitang ang malawak na bahagi ng isla na madalas puntahan ng mga kite surfers. Sa kabilang dako naman ay matatnaw din ang stations 1,2,at 3 sa Boracay. “You get the morning sun and the sunset”, dagdag pa ng aktres. Abot tanaw din ang mga windmills sa isla ng Aklan, pati narin ang bahagi ng Caticlan.

 

Napakalaki din ng kanilang dining area kung saan tanaw na tanaw ang dagat at may napaka-romantic na view pagdating ng gabi dahil sa mga ilaw na makikita sa mga bahay at mga establishments sa isla.

Isa na marahil sa mga pangunahing rason kung bakit pinili ng aktres na manirahan sa isla dahil sa malayo ito sa polusyon, ingay at stress. Nakaka good vibes nga naman ang lugar sa mga tanawin kahit nasa loob lamang ng bahay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending