Trending ngayon sa social media ang comedian, aktor at Dabarkads na si Allan K at aktor na si Ahron Villena.
May mga haka-haka kasing lumalabas sa social media na may relasyon sina Allan K at Ahron. Maraming komento ang kanilang natanggap dahil sa larawang ibinahagi ng tv host sa kanyang social media account ng sila ay magbakasyon sa Boracay.

Sa isang larawan ay makikitang sobrang sweet ang dalawa at magkatitig pa ang mga ito. Kaya naman maraming napaniwala na may namamagitan sa dalawa. May relasyon umano ang mga ito sabi pa ng iba. Ngunit ito ay wala umanong katotohanan. ‘Its a prank’ lang daw ang mga ito.
Noong December 13 nga ay nagdiwang ng kanyang ika-63rd birthday ang isa sa Dabarkads na si Allan K. Ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa Boracay kasama ang malalapit na mga kaibigan nito.

Komento naman ng ilang netizens na maging masaya nalang para sa dalawa kung totoo mang may namamagitan sa mga ito.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
‘L𝔬ve it and hayaan mo na lang silang dalawa sa moment nila together. Mukhang nage-enjoy nga sila together habang tumatagal at magkasama sila sa vacation trip nila sa Boracay ni sir Ahron, ganun! Maging masaya na lang tayo for them and supp𝔬rt kung ano yung re𝔞l score ng dalawang yan.’ Sabi ng netizen na si Ashley Quizon.

‘Ayan na siya, haba ng hair mo jan nay para kang sweet 16. Inaantay ko yung pamalo ni Paolo Ballesteros.’ kumento pa ng isang netizen.
May ilang celebrities din ang nagreact sa post ni Allan K. Isa na rito si Kakai Bautista na ang sabi ay “Post ka pa nga ng madaming ganyan jowana! allan_klownz para mas maraming manginig sa ingget. Daming miserable. Hindi maka-move on pati ako dinadanay. MORE! MORE! MORE!!!’
‘Teka nga’. Yan naman ang naging komento ng kapwa dabarkads ni Allan K na si Paolo Ballesteros.
Nagbigay rin ng kanilang mga komento ang ilan pang showbiz personalities na sina Giselle Sanchez, Jaya, Donita Nose pati na rin si Hopia.

Samantala, tatlong pusong emoji naman ang ibinigay na kumento ng aktor na si Ahron Villena na lalong nagbigay ng ingay sa mundo ng socmed.
Napaniwala ang maraming netizens sa larawang ito kaya naman ang sabi nila ay maging masaya na lamang umano para sa dalawa kung ano man ang meron sa kanila.
Source: Allan K Instagram