Masayang ibinalita ng isa sa mga co-host ng Eat Bulaga na si Allan K na muli ay nagbukas na ang kanyang negosyong restobar sa Las Piñas.
Matatandang nagdesisyon ang komedyante na ipasara ang kanyang comedy bars na Zirkoh at Klownz sa kadahilanang nalugi umano ang mga ito dahil sa [email protected] kinakaharap natin sa ngayon. Sinubukan namang ipagpatuloy ang operasyon ng kanyang mga comedy bars sa kabila ng [email protected] ngunit mas malaki pa umano ang nagagastos rito kesa sa pumapasok na pera.

Sa ngayon naman ay muli na ngang nakabangon si Allan K dahil nakapagbukas na siya ulit ng isang restobar. Masayang-masaya naman para sa kanya ang ilang mga celebrities at kanyang mga dabarkads gaya nina Julia Clarete, Ryan Agoncillo, Igan, Rodjun Cruz, Helen Gamboa, MJ Marfori, Jopay Paguia at iba pa dahil sa muling pagbubukas ng restobar na pinangalanan niyang Zirko.
Laking pasasalamat naman umano ni Allan K sa Eat Bulaga dahil ito ang nagsilbing suporta niya upang makasimulang muli.

“Wala naman naka-foresee kung gaano katagal ang [email protected] e, so I think sabi ko mga 1 month yan. Nung hindi na umokey 2 months, 3 months, 4 months, 5 months, 6 months, ay hindi na maganda to, wala na tayong laban.”
“Yung renta namin na close to 400 thousand na yung Klownz, close to 500 thousand naman yung Zirkoh. Wala kang income and yet nagbabayad ka ng ganun.”

“Pinilit din pero hindi talaga, so sabi ko magsara na tayo. Idineklaro nalang namin bankcruptcy. Nagbab𝔞yad ka ng rent for the 2 bars and walang business na nagaganap.” pahayag nito.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na mas marami pa ang nagagastos na pera kapag may nagsasarang negosyo kesa sa itinatayo pa lamang ito. Kailangan mo kasing bayaran ang iyong mga empleyado ng kanilang separation pay, 13th month pay, at iba pa. Sinang-ayunan naman ito ng komedyante.

“Imaginin mo yung 18 years na yun ng buhay ko tapos biglang nawala. Malulungkot ako kung malulungkot pero no matter how hard you try, kahit anong expertise mo, wala kang kalaban-laban dahil v𝔦r*s yun.” dagdag pa ni Allan.
Tunay ngang napakarami ang naapektuhan ng [email protected] C0vid-I9. Mapa-negosyo man, edukasyon, maging ang ating araw-araw na pamumuhay ay lubos ngang naapektuhan ng Covid. Patuloy lang tayong umasa na balang araw ay matatapos rin ang lahat ng ito at tayo ay makakabangong muli.