Connect with us

Entertainment

Ama ni Daniel Padilla na si Rommel, Binisita at Ipinakita ang Kanilang Napakalawak na Palayan sa Nueva Ecija

“Palay ay buhay. Dalangin ko po naway maging hitik sa bunga ang lahat ng aming ipinunla upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya at pamayanan. Ang Diyos ang siyang pinaka dakila!” wika ni Rommel Padilla sa kanyang post sa Instagram.

photo credit to omeng padilla | ig

Kilala si Rommel bilang isang batikang aksyon star noong dekada 90 at nagkaroon din ng maraming mga proyekto.  Isa sa pinaka latest at huling proyekto nito ang programa sa ABS-CBN na “Ang Probinsyano” kung saan gumanap siya bilang si Baldo at ang “A Soldier’s Heart”kung saan gumanap siya bilang si Dante Marasigan.

photo credit to omeng padilla | ig

Bukod sa pag aartista ay abala din pala si Rommel sa pangangalaga ng kanyang sariling palayan sa Nueva Ecija kung saan maraming mga magsasaka ang umaasa ng kanilang pangkabuhayan.

photo credit to omeng padilla | ig

Proud ay masaya na ibinahagi ng aktor ang kanyang palayan at ang kanyang adhikaing makatulong sa mga magsasaka sa Nueva Ecija na nag aalaga sa kanyang mga palay. Hangad umano ng aktor ang masagana at malusog na ani upang mas malaki ang kikitain ng kanyang palayan nang sa gayon ay malaki din ang maitutulong nito sa kanyang mga magsasaka.

photo credit to omeng padilla | ig

Sa kabilang dako si Rommel ay naging isang kongresista ng Nueva Ecija. Muli syang tumakbo noong nakaraang eleksyon ngunit hindi na pinalad na manalo. Subalit sa kanyang munting pamamaraan ay ipinagpapatuloy ang adhikaing makatulong sa kapwa lalo na sa panahon ngayon. Nakipag-ugnayan din si Rommel sa kompanyang Agritech upang mapalakas pa lalo ang kanilang ani.

photo credit to omeng padilla | ig

Si Rommel ay dating asawa ni Karla Estrada at nagkaroon ng anak na si Daniel Padilla.

Ang pagsasaka ay napakahalagang sektor ng ating pamayanan, subalit ito ay unti-unti nang nawawala at naaapektuhan ng pabago-bagong klima, pagtaas ng presyo mga binhi, pataba, at iba pang mga pangangailangan sa pagsasaka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

Sana kasabay ng pagbabago ng pamumuhay ng mga tao ay mabigyang pansin din ang pagsasaka dahil kung walang mga magsasaka ay wala tayong makakain. Palay, gulay, prutas, at iba pang mga sangkap sa ating pagluluto na itinatanim ay ating dapat pasalamatan sa mga magsasakang araw-araw na nagpapagod sa ilalim ng init ng araw o sa malakas na buhos ng ulan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending