Connect with us

Entertainment

Anak ni Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie, nakikitaan ng hilig sa pagbabasa ng mga libro

Napakahalaga ang training sa isang bata lalo na sa murang edad pa lamang nito. Subalit may ilang bata naman na kahit hindi tinuturuan ay kusang lumalabas ang kanilang mga hilig at kagustuhan, maaring ito ay sapagpili ng laruan, o libangan.

credit to dahliaamelieee | facebook

Samantala, nakakagiliw at nakakatuwang pagmasdan naman ang baby ng dating It’s Showtime host at magaling na aktres na si Anne Curtis Smith-Heusaff. Marami ang nag-abang sa pagbubuntis ni Anne hanggang sa ito ay nanganak.

credit to dahliaamelieee | facebook

Ang bilis lang ng paglipas ng panahon at 11 months old na ngayon ang kanilang napaka-cute at charming na baby na si Dahlia Amelie.

Sa latest post sa IG ng aktres, ibinahagi nito ang kakaibang hilig umano ni baby Dahlia.

credit to dahliaamelieee | facebook

“Annne just like that we have an 11-month-old bookworm. It truly makes us so happy that she is fond of books. She loves story time and looking and flipping the pages all by herself. Big girl na. Time has definitely gone by so fast.. in a month, our little girl will be turning 1..”

credit to dahliaamelieee | facebook

Pansin umano ng mag-asawang Anne at Erwan na mahilig talaga ang kanilang anak sa mga libro lalo na ang mga patungkol sa mga hayop. Sa IG account ni baby Dahlia na dahliaamelie na mayroon nang 112k followers, makikita ang ilang larawan na ito ay nagbabasa ng libro.

Nakakabilib naman ang pagiging hands-on parents nina Ann at Erwan para alagaan ang kanilang first baby na si Dahlia. Sa murang edad nito ay tinuturuan na nila ng mga magagandang habit ang bata.

credit to dahliaamelieee | facebook

Malapit na rin ang unang kaarawan ni baby Dahlia kaya naman nais nilang e-celebrate ito para makatulong sa ibang mga bata.

“to celebrate life of little ones, we’re raising funds to help UNICEF give vulnerable babies and disadvantaged children the childhood they deserve.. there’s nothing we want more than for ALL children to be given the best start at life. So, to our friends, family, fans and followers I hope you can join this meaningful fundraiser for Dahlia’s birthday and contribute to this cause. Would mean the world to us. 🌸 Whatever amount is raised we will match and donate to @unicefphils”, pagbabahagi ni Anne sa kanyang IG post.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending