Connect with us

Entertainment

Anak ni Pacman na si Jimuel Pacquiao usap-usapan na may bagong girlfriend na isang talent ng Star Magic

Kagaya din ng kanilang ama na si Manny Pacquaiao, unti-unti na ring nagkakaroon ng sariling mga pangalan ang mga anak ni sina Michael at Jimuel ngunit hindi sa larangan ng isports na boksing. Si Michael kamakailan lang ay naging viral sa kanyang rap song na pinamagatang “Pacman” kasama din ang isang rapper na si Michael Bars.

Samantala, isa pang anak ni Pacquaio ang pinag-uusapan ngayon, ang kanyang panganay na si Jimuel Pacquiao. Masasabing magandang lalaki itong si Jimuel at hindi maikakaila na may mga magagandang babae ang nagkakagusto sa kanya. Napabalitang naging girlfriend nito ang Kapamilya aktres na si Heaven Peralejo ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Ayon sa magkaparehong panig, hindi naging madali sa kanila ang paghihiwalay, subalit natanggap nila ito ng bukal sa kanilang kalooban at walang anumang galit o hinanakit sa isa’t-isa. Ayon pa kay Heaven ay mature nas umano sila at natanggap nil ana hindi pa tamang panahon para sa kanilang relasyon at may mas magandang plano ang Diyos para sa kanila.

Pagkalipang ng ilang buwan, usap-usapan na naman ngayon si Jimuel dahil may bago na naman na iniuugnay sa kanya na isang baguhang talent sa Star Magic. Siya ay si Arabella del Rosario. Kapansin-pansin din ang kagandahan ng dalaga at marami ang nagsasabi na ito na ngayon marahil ang bago nang girlfriend ng anak ni Pacman na si Jimuel dahil sa mga larawan sa Twitter na ibinahagi mismo ni Jimuel at ni Arabella.

Sa isang larawan ay isang close-up shot na nagpapakita na mukhang hinahalikan ni Jimuel ang kamay ni Arabella habang sila ay nasa loob ng sasakyan na siya rin ang nagmamaneho. Ayon sa mga netizens ay marahil nagkakilala ang dalawa sa mga events ng Star Magic dahil pareho silang talents ng naturang talent center ng ABS-CBN.

Marahil ay natagpuan na din ni Jimuel ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso at nagbibigay ngiti sa kanyang mukha.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending