“I made the best decision to choose happiness above all else. I am grateful for the life I have (and am able to give my kids), and without you in it, it wouldn’t be the same. Thank you for always making me feel like I am on top of the world. Happy anniversary my mahal!” ito ang napaka sweet na mensahe ni Andi sa kanyang partner in life na si Philmar Alipayo noong kanilang anniversary. Ngunit paano nga ba sila nagkakilala?

Sa isang latest vlog ni Andi Eigenmann sa kanilang YouTube channel na Happy Islanders, ibinahagi ng couple kung paano sila nagkakilala at nagkaibigan.
Ayon sa aktres, una silang nagkita sa isang surfing awarding event sa Siargao na naganap sa buwan ng Setyembre noon. “I’m the one that made pa-picture. Nakakahiya. But I know that he didn’t know and palagi siyang pinapakilala sa lahat ng tao kasi siyempre professional surfer based here in Siargao. Ako nagpa-picture ako kasi fan talaga kami ng mga friends ko because we’re fans of surfing. From then on, naging friends na kami — like commenting on the Instagram,” wika ng aktres.
Pagkatapos ng una nilang pagkikita ay naging magkaibigan daw sila sa social media at nagpapalitan ng mga comments sa Instagram hanggang sa personal silang napakilala sa isa’t-isa sa pamamagitan ni Harriette.
“Philmar knew my name like Andi and you know, that I had a lot of followers on Instagram. But he wasn’t exactly sure what I did. Like he never saw me on TV. Sabi ko nga ‘You never watched TV?’ ‘Of course, I’m surfing!” sabi ni Andi.
Nasa kasikatan noon ang aktres ng biglang iniwan ang showbiz at piniling manirahan ng simple sa isla ng Siargao. Maaring napamahal na nga ito hindi lang kay Philmar ngunit pati narin sa isla.
“We’re here because we want to be here”, sabi pa nito sa vlog. Sa kabila ng katanyagan at sa kanyang buhay sa showbiz, masaya na at kontento ang aktres sa kanyang pamilya ngayon at pamumuhay kasama si Philmar.
“I hope that Filipinos would get rid of the mentality that if you are from the province that you are not successful… means that you are inferior to everyone else finding who is jobs to the city because that’s not the meaning of success”, tugon pa nito bilang sagot sa mga nagkokomento tungkol sa pisikal na kaayuan at katayuan sa buhay ni Phimar.