Connect with us

Entertainment

Andi Manzano Na Dating TV Host at DJ, May Regalong Bagong Sasakyan Sa Kanyang Mga Magulang

Isa sa mga mahahalagang tao sa atin ay ang ating mga magulang. Sa lahat ng kanilang ginawa mula pagkabata, ang suporta sa pag-aaral, ang araw araw na hain sa hapag kainan, ang mababangong damit na ating naisusuot. Lahat ito ay dahil sa ating mga magulang.

Wala Ng hihigit pa sa pagmamahal na meron ang ating mga magulang. Kung kaya’t ganoon nalang din ang pagsusumikap nating mga anak upang maibalik ang lahat ng sakripisyo ng ating mga magulang para sa atin. Hindi man ito kailangang gawin ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang ginawa para sa atin ay nararapat lamang na ibalik natin ito sa kanila.

Ang mga magulang ay hindi nghahangad ng kapalit kaya’t ang mga simpleng regalo galling sa kanilang mga anak ay lubos lubos ang kanilang kaligayahan malaki man ito o maliit.

Sa ating mga piniling larangan tayo madalas na humuhugot ng lakas upang maabot natin ang ating mga gusting marating o gusting magkaroon. Ang isang radio jockey na si Andi Manzano ay talagang inayos at pinagtiyagaan ang kaniyang trabaho upang makamit ang kanyang pinag-iipunan. Nais ni Andi na regaluhan ng brand new car ang kanyang mga magulang. Ayon sa kanyang vlog ay halos tatlong taon nilang pinag-ipunan ang regalong ito at masayang masaya siya dahil sa wakas ay nabili na nila ito.

Binigyan niya ng dalawang blackbox ang kanyang magulang at sabay niya itong pinabuksam sa kanila. Walang nagawa ang kanyang magulang lalo na ang kanyang Ina kundi maiyak at yumakap sa kaniya kahit na filming ito para sa mismong vlog niya para sa nangyaring ito.

Ang lahat ng kanyang pagtitiis upang makuha ang regalong ito ay talaga nga naming hindi nasayang. Lubos lubos ang saya ng mag-asawa sa regalo ng kanilang anak na si Andi.

“my parents live all the way in antipolo and their car is a little too old and no longer dependable. In 2019 my husband and I started saving up to get them a brand new car.” Ayon kay Andi.

Kaya’t ganoon nalang din ang saya ng kaniyang mga magulang ng matanggap ang kanilang regalo. Ito ang naisip ni Andi upang maging madalas din ang pagbisita ng kanyang magulang sa kanya at maging madalas din ang kanilang pag sasama-sama.

Iisa lamang ang magulang natin. Habang tayo ay may panahon pang iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal ay gawin natin ito. Ang sayang kanilang mararamdaman ay saying kanilang babaunin hanggang sa kabilang buhay.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending