Bawat tao ay may kanya-kanyang kinatatakutan sa buhay. Maaring ito ay pangyayari. Lugar, tao, bagay, o hayop. Ang takot ay isa rin sa mga natural na reaksyon ng katawan upang harapin o takbuhan ang kinatatakutan.
credit to Andrea B. | Youtube
Sa latest vlog ng aktres, hinamon nito ang tapang ng kanyang ina sa pamamagitan ng pag-prank nito ng isang kunwari ay “surpresa” para sa kanyang kaarawan dahil hindi ito makakasama ang kanyang ina dahil sya ay may lock-in taping.
credit to Andrea B. | Youtube
Kasabwat ng aktres ang kanyang kapatid na si Kyla, si Lola Susan nito, ang kanilang driver na si Ahl at si ate Susan nila na nag-aalaga sa kanilang mommy.
Pinuntahan ng aktres ang kanyang mommy sa kanyang kwarto at sinundo tsaka ito nilagyan ng piring sa mata para sa kanilang inihandang surpresa. Sila ay sumakay sa sasakyan, na kunwari ay aalis at may pupuntahan.
credit to Andrea B. | Youtube
Isinakay nila sa sasakyan ang kanilang mommy at sila ay bumyahe kunwari ay may pupuntahan silang lugar. Subalit bago umano bumaba ng sasakyang ang kanilang ina ay kailangang buksan muna ang isang styro box kung saan doon umano nakatago ang regalo at surpresa ng aktres at ng kanyang pamilya.
credit to Andrea B. | Youtube
Pagkabukas ng mommy nito ng styro box ay bigla itong napalabas ng sasakyan at tumakbo papalayo dahil nakita nitong palaka pala ang laman ng styro box. Takon na takon ang mommy ni Andrea sa mga palaka. At sa labis na takot ay napasigaw ito habang tumtakbo at sinubukan pang akyatin ang gate ng isang bahay para lamang makalayo sa mga palaka.
credit to Andrea B. | Youtube
“Naawa ako sa nanay mo” sabi naman ni ate Susan na nag-aalaga umano sa ina nil ani Andrea simula noong dalaga pa lamang ito.
“Mama, di mo manlang sinabi sa amin na akyat-bahay ka pala”, pabirong sabi ni Andrea sa kanyang ina. Tawang-tawa sila dahil sobrang takon ang in ani Andrea sa palak, hanggang sap ag-uwi nila ng bahay ay hindi nila tinigilang takutin ito.
Tunay ngang kakaibang surpresa ito sa ina ng aktres, at hinding-hindi nya ito makakalimutan.