Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes, natupad na din ang matagal ng pinapangarap na Dream House

Nakaka-inspire talaga ang mga kwentong tagumpay ng ilan sa ating mga hinahangaang artista kagaya lamang ng young celebrity na si Andrea Brillantes.

Anndrew Blythe Daguio Gorostiza ang kanyang tunay na pangalan at siya ay ipinanganak noong Marso 12, 2003. Ngayon ay 17 taong gulang pa lamang sya at nalalapit na rin ang kanyang ika-18 na kaarawan. Si Andrea ay nagsimula bilang isa sa mga casts sa kid’s show na “Goin Bulilit”.

photo credit to blythe | ig

Nagkaroon ang batang aktres ng malaking break sa industriya ng showbiz noong siya ay gumanap sa program na “Annaliza” at sa sumikat na program na “Kadenang Ginto” noong 2018 hanggang 2020, kung saan sya ang gumanap sa karakter ni Marga Bartolome.

photo credit to blythe | ig

Dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte, marami ang humanga sa kanya at naging mas makulay ang istorya ng programa. Hindi rin maikakaila na may magandang mukha ang aktres kaya naman kaliwa’t-kanan ang kanyang mga endorsements na Malaki ang naitulong sa kanyang karera at sa kanyang buhay.

photo credit to blythe | ig

Samantala, ibinahagi naman ni Andrea ang katuparan ng kanyang matagal ng pinapangarap. Sa kanyang IG post, ipinakita nito ang larawan ng kanyang sariling naipundar na bahay. “Ikaw ang aking pinakamatagal at pinakamahirap na pinangarap”, caption ng aktres sa kanyang post.

photo credit to blythe | ig

Umabot din umano sa sampung taon ang kanyang paghihintay at pagsusumikap bago nya ito nakamtan. Nabanggit pa noon ng aktres na wala silang sariling bahay kaya naman na labis labis ang pasasalamat nito dahil sa wakas ay may maganda at malaking bahay na siya at kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

photo credit to blythe | ig

Naging disiplinado din ang aktres at mahigpit sa pag gastos ng kanyang pera upang mapatapos nya ang kanyang dream house. Talagang nagbunga ng maganda ang lahat ng kanyang pagsusumikap. Pinasalamat ng aktres ang Kapamilya Network at lahat ng mga kompanya na kumuha sa kanya bilang endorser dahil kung wala umano sila ay hindi din nya makakamtan ang kanyang pangarap.

Kahanga-hanga naman talaga ang aktres dahil sa kanyang murang edad ay nakatulong na ito sa kanyang pamilya at mayroon nang sariling bahay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending