Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes, Sa Murang Edad ay Nakapag-patayo na ng Malaking Bahay para sa Pamilya dahil sa Pagiging “Kuripot” at masinop

Bibihira lamang ang mga taong nasa murang edad kagaya ng isang teenager ay makakapagpatayo ng sariling bahay. Subalit hindi ito imposible. Ito ay ipinatunayan ni Andrea Brillantes na sa kanyang murang edad pa lamang ay unti-unti na nyang nararating ang kanyang mga dating pinangarap, kasama na riyan ang pagkakaroon ng sariling bahay.

credit to blythe | ig

 

Bata pa lamang daw si Andrea ay pinangarap na nyang tumira sa isang subdivision kasama ang kanyang pamilya. Kaya naman noong ito ay nagkatrabaho at kumita, ay pinagtuonan nya ng atensiyon at prayoridad ang pag-iipon para makapagpatayo ng bahay.

credit to blythe | ig

“Nagsimula ako mag artista, nagsimula po ako maging breadwinner ng 10, so pa rent rent pa lang kami. Tapos ilang years ko na rin sya pinag-ipunan. Never ko din naisip na ganitong kaaga ko rin sya makukuha”, paglalahad ni Andrea.

Isa daw sa mga naging dahilan ng kanyang pag-aartista ang pangarap na magkaroon ng tirahan na pagmamay-ari nila.

credit to blythe | ig

“Isa sa mga pangarap kaya ako nag artista kasi gusto ko magkaroon na kami ng sariling bahay. Kaya nagpapasalamat ako na finally, ginagawa na ngayon, hopefully matapos na sya. ‘yon ang pinaka blessing sa akin ngayon,” dagdag pa ni Andrea.

credit to blythe | ig

May mga bagay din na isinakripisyo ang aktres upang matapos umano ang kanyang dream house. Nagsisipag talaga ito sa trabaho at hindi umano sya basta-basta gumagastos kapag hindi naman kailangan. Hindi rin sya bumibili ng mga designer items.

“Hindi ako bumibili ng mga designer. Hanggang nagyon di pa rin ako bumibili ng mga designer shoes ang bags. Puro mga bigay kasi may pagkakuripot ako,” sabi pa nito.

credit to blythe | ig

Proud at masayang ibinahagi ni Andrea na malapit nang matapos ang kanyang dream house. Makikita sa kanyang IG posts na ang bahay ay dalawang palapag, Malaki, at modern ang architectural design nito.

credit to blythe | ig

“Basta ang importante magkasama kaming lahat at magustuhan nila at may aircon na yung bahay,” saad pa nito.

Tunay ngang kapag may disiplina at pagtityaga at pagsisikap, hindi imposible ang mga pangarap kahit gaano pa ito ka laki.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending