Si Alejandro Ilagan Atienza o mas kilala natin bilang si Kuya Kim ay anak ng politikong si Lito Atienza. Isa si kuya Kim sa mga hinangangaan na weather news anchor, at TV host, atleta, at aktor ngayon dahil sa kanyang angking galing.

kuyakim_atienza | ig
Bukod sa kanyang trabaho sa harap ng kamera, isa syang napakamabait na asawa kay Felicia Hung, at maasikaso at supportive na ama sa kanyang tatlong anak na sina Jose III, Eliana, at Emman.

kuyakim_atienza | ig
Samantala, nakaka-aliw naman na tingnan ang mga throwback pictures ni Kuya Kim kasama ang kanyang anak noong 1987. Sa kanyang post, “I was Jose’s age @jhatienza undeniable where you got your looks from”, caption ng Kuya Kim.

kuyakim_atienza | ig
Makikita sa larawan na malaki ang pagkakahawig ni Kuya Kim sa kanyang anak na si Jose III. Marami din ang namangha at nagwapuhan sa mukha nito noong kabaataan pa nya. May iba pang bumanggit na may kahawig ito sa Korean star na si Gong Yoo.

kuyakim_atienza | ig
Samantala, lingid din sa kaalaman ng marami na dating body builder itong si Kuya Kim. Sa isang throwback photo din noon sa kanyang IG, wika nito “I was so passionate about bodybuilding in the 80s. I admired the physiques of Arnold Shwarznnegger and Lou Ferrigno and would spend hours in the gym pumping iron”. “The norm then was to be as massive as possible kahit mukha na akong palaka,” dagdag pa nito.

kuyakim_atienza | ig
Sa paglipas ng maraming taon ay may marami ring pagbabago sa pisikal na kaanyuan ng sikat na athlete, host, weather anchor, at aktor. Tama nga ang kanyang sikat na linya na ang “buhay ay weather weather lang”.

kuyakim_atienza | ig
Mapapansin din sa kanyang mga posts na close sila ng kanyang mga anak lalo na nitong si Jose III. Nagbigay umano ng makabagbag damdamin na mensahe itong si Jose para sa kanyang ama noong graduation day nito.

kuyakim_atienza | ig
May pagkakataon din na nakasakay si Kuya Kim sa eroplano na si Jose III mismo ang piloto. Bilang ama, proud na proud at masaya si Kuya Kim dahil sa tagumpay ng kanyang anak na si Jose III.
Mahal na mahal at talagang napaka supportive na ama itong si Kuya Kim sa kanyang mga anak. Isa syang mabuting imahe ng isang ama.