Connect with us

Entertainment

Angel Locsin at Neil Arce, nagbigay ng payo at tips kung paano makaalis sa “friendzone” sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang sariling love story na nagmula sa pagkakaibigan

Isa ka rin ba sa mga taong nagkagusto sa iyong matalik na kaibigan? Nahihirapan ka bang aminin ang tunay mong nararamdaman sa iyong kaibigan dahil natatakot ka na  baka mawala sya at hindi nya matanggap ang iyong tunay na nararamdaman para sa kanya?

Ang aktres na nakilala at sumikat bilang Darna na si Angel Locsin ay dumaan din sa ganitong karanasan sa kanyang buhay. Bago paman sila naging engaged ngayon ng kanyang fiancé na si Neil Arce, naging matalik silang magkaibigan sa mahabang panahon.

Sa kanilang latest vlog na pinamagatang “Paano makaalis sa Friendzone”, kung saan  ibinahagi ni Angel at Neil kung paano sila nagkakilala at paano naging magkaibigan at nagka-ibigan at paano narelba ang mga bagay sa pagbabago ng kanilang relasyon.

“Nagsimula kami as friends in 2010. After 7 years, we started dating. Actually, we went through a lot as friends.”  sambit ni Neil sa simula ng kanilang vlog.

Sa loob ng pitong taon ay naging matalik silang magkaibigan at naging takbuhan ang isa’t-isa sa mga oras at pagkakataon na may mga problema sila sa kanilang mga sariling buhay pag-ibig. Si Angel daw ang hinihingian ni Neil ng payo kung paano dapat dumiskarte sa mga babae na nagugustuhan nito. Samantala, adviser din ni Angel si Neil sa mga problema nito sa mga nakaraang karelasyon.

Naalala pa daw ni Neil na ngbigay sya ng payo kay Angel at sinabi nito na  “Pag pinili mo ang puso mo sa utak mo, over sa utak mo, para mong inaming tanga ka.”

Kaya naman minabuti ng dalawa na mgbigay ng payo o tips sa mga magkaibigan na naguguluhan kung itutuloy ba ang nararamdaman sa isa’t-isa bilang magkarelasyon o magka-ibigan.

Tip#1: Siguraduhin nyo na gusto nyo ang isa’t-isa. Ayon sa kanilang vlog, siguraduhin muna ang tunay na nararamdaman. Kung ito ba ay baka infatuation lamang o baka namisinterpret mo lang ang iyong nararamdaman.

Tip#2: Tanggapin nyo ang awkwardness. Dahil nga dati silang magkaibigan, nagkaroon ng mga moments na naiilang pa sila sa isa’t-isa kagaya na lamang ng paghoholding hands. Subalit ayon kay Angel at Neil ay normal lamang daw iyon.

“Trust us, magkakaroon kayo ng awkward phase talaga. Ako kasi sa experience ko noong unang mga dates naming, noong una syempre kilig-kilig as in para kang nasa heaven. Pero darating ka sapoint na parang ‘Ano ito? Bakit kami naghoholding hands?’ gusto ko mag walk-out sa totoo lang”, pahayag pa ni Angel.

Tip#3: Talk it as Friends. Pag-usapan ang mga bagay na ayaw at gusto at magbigay ng respeto sa bawat isa sa mga desisyon sa buhay. Tinukoy din ni Neil na dapata ay walang pagbabago kung anuman kayo noon bilang magkaibigan. Dapat din ay tapat sa isa’t-isa upang maiwasan ang mga misunderstandings.

Tip#4: Go All In. Dapat ay ibigay ang lahat para sa minamahal dahil alam muna ang kanyang mga sakit na pinagdaanan kaya’t ayaw muna itong maranasan nyang muli.

Sa bandang huli tinanong ni Angel kung naniniwala si Neil sa destiny at soulmate, ay napaka sweet naman na sinabi ni Neil na para sa kanya ay mas naniniwala sya na blessing si Angel sa kanyang buhay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending