Connect with us

Entertainment

Angel Locsin, hinangaan pa rin ng mga netizens dahil sa angking kagandahang loob sa kabila ng mga panlalait sa kanyang katawan

Tumatak sa isipian ng mga Pinoy lalo na ng kanyang mga fans na sya ay si Darna, si Angel Locsin ay isa sa mga hinahangaan na celebrity dahil sa kanyang angking husay at galing sa pag-arte. Hindi lamang sya Darna sa isang palabas, kundi napatunayan na ang kanyang pagiging real-life hero sa kanyang mga nagawa sa kapwa Pinoy lalong-lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

Samantala, sa kabila ng kanyang kabutihang loob, marami pa rin ang mga mapanghusga at mapanglait lalo na sa malaking pagbabago sa kanyang katawan.

Kung noon ay ubod ng seksi ang aktres, nagiging cover sa mga magazines, modelo, at marami ang humahanga sa hubog ng kanyang katawan, ngayon ay marami namang nagtatanong at nagtataka kung bakit ito biglang lumaki.

Samantala, isa namang magandang papuri ang natanggap ng aktres noong kamakailan lang mula sa mga larawan na nakunan sa Old Grove Farmstead sa Batangas kung saan ang aktres ay nakasuot ng magandang red dress noong araw na iyon.

Ang mga larawan ay kuha ng Kuyarey Photography at naupload sa FB page na Plus Size Pinay Blog na naglalayon na suportahan ang mga plus size women.

Noong araw na nakunan ng larawan ang aktres ay mayroon pala itong taping para sa kanyang program na “Iba Yan” para sa episode ng “Araw ng mga Sawi” na napapanahon para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Sa kabila ng malaking pagbabago sa kanyang katawan, hindi naman nagbago ang kagandahan ng kanyang mukha at nakunan sa mga larawan na blooming ito sa kanyang suot na red dress. Hindi nawawala ang paghanga sa kanya ng mga tao dahil may pisikal man na pagbabago sa kanya ay hindi naman nawawala ang kagandahan ng kanyang loob.

“Kahit mataba o payat. Ang mahalaga hindi siya humihinto sa pag tulong sa kapwa”, pahayag ng isang netizen.

“Hindi hadlang ang katabaan or laki sa kaya mong gawin or akyatin. Subrang taba ko pa pero nakaya ko din minsan sa buhay ko na akyatin yan armoured car ng military. Pag talaga mahal ka ng mga tao sa paligid mo isa lang isa dalawa tatlo ang mga yan wala kanang pakialam sa sasabihin ng ibang tao”, saad pa ng isang tagahanga ng aktres.

Samantala, ayon naman sa mga ulat, lumaki umano ang aktres dahil sa gamot na iniinom nito para sa kanyang sakit sa likod dulot ng spine injury noon.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending