Wala talagang kawala ang mga artista lalo na pagdating sa kanilang love life. Isa na rito ang pinakaaabangan ng marami na si Angelica Panganiban.
Sa tagal nito sa showbiz, marami na rin ang naiugnay sa kanya na showbiz love team at ang iba naman ay naging karelasyon nito sa tunay na buhay. Isa sa mga matagal na nai-link sa kanya ay si Carlo Aquino na ngayon ay mayroon na ding ibang girlfriend.

credit iamangelicap | ig
Samantala, makalipas nga ang matagal na panahon na walang naibabalitang karelasyon ang aktres, kamakailan lang ay nagbahagi na ito ng mga larawan ng isang lalaking madalas nyang nakakasama sa kanyang outing.
At kinumpirma na din ng aktres na sila ay may relasyon at ipinakilala nito ang kanynag non-showbiz boyfriend na si Gregg Hooman.

credit iamangelicap | ig
Makikita na masayang-masaya na ang aktres sa piling ng kanyang bagong boyfriend. Sa isang post n anito sa kanyang IG account, inapload nito ang kanilang picture na tila ay naghahalikan sabay caption ni Angelica na “Kung isa kang pelikuka, sana,, wala kang ending..”.
Marami naming kaibigan ng aktres ang excited sa kanyang bagong pag-ibig at sa wakas ay muling nagpapangiti at nagpapasaya sa aktres.

credit iamangelicap | ig
“Anak ng!!!!!!!!!!!! Eto na!!! Ang saya ko para sayo!!!!!!!” komento ni Barbie Imperial. Verified
“Love ko kayo masaya akooooooooo”, saad naman ni Arci Munoz. “Happy for you, Pets!”, dagdag pa ni John Prats.
Nasundan pa ito ng ilan pang IG posts ng aktres na kasama si Gregg Hooman. Sa isang napaka cute na litrato, magkasama sila at nakaakbay pa si Angelica kay Gregg samantalang sumisiksik sa gitna ang kanilang alagang aso, makikita ito sa post ng aktres na may caption, “Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest” – Roxy.

credit iamangelicap | ig
Ayon naman sa ilang ulat, isang businessman itong si Gregg Hooman na nagpapatakbo sa Subic Bay Zambalaes ng isang hotel at watercraft building.
Masisilayan naman ang larawan ng aktres sa loob ng hotel na nakikita ang mga yate, “Hindi ko nga alam kung bakit eh!!?? LoveOrMoney?”, caption nito. Maaaring nakunan ang larawang iyon sa naturang hotel na mina-manage ng kanyang boyfriend na si Gregg.