Connect with us

Entertainment

Anne Curtis at Erwan Heussaff, ibinahagi ang 1st birthday ng kanilang first baby na si Dahlia Amelie

Napakabilis ng panahon at parang kalian lamang ay nagdadalang-tao pa lang ang aktres na si Anne Curtis sa kanyang asawang si Erwan Heussaff. Nagyon naman, ay kanil nang ipinagdiwang ang isa sa pinakamasayang araw bilang mga magulang, at iyon ay ang pagdiriwang ng ika unang kaarawan ng kanilang nag-iisang baby na si babay Dahlia Amelie.

credit to annecurtissmith | ig

Maaalalang lumipad pa ang mag-asawa sa Melbourne, Australia noong Marso noong nakraang taon upang doon na muna manirahan at maipanganak ng aktres ang kanilang unang baby.

Masaya naming ibinahagi ng mag-asawang Anne at Erwan ang mga larawan ni baby Dahlia Amelie kasabay ng pagbibigay nila ng mga mensahe sa kanya.

credit to annecurtissmith | ig

“Here is to a year when absolutely nothing went according to plan, except for this little bright light. When days crawled and months raced by. When i became a student again and she, my teacher. Happy 1st birthday”, caption ni Erwan sa kanyang post.

credit to annecurtissmith | ig

Samantala, hindi rin nagpahuli ang napaka-sweet at maalagang mommy na si Anne sa pagbati sa kanyang anak.

“She owns every little bit of my heart. Happy 1st Birthday to my Dahlia Amélie. I love her to the moon and back infinity times.

And to quote one of my favourite books by Robert Munsch that I love to read to her with so much feelings –

“I’ll love you forever,

I’ll like you for always,

As long as I’m living,

my baby you’ll be”, pahayag naman nito.

credit to annecurtissmith | ig

Madalas makikita sa mga vlogs at social media posts ng mag-asawa ang larawan at mukha ni Dahlia Amelie. Sila rin mismo ang hands-on na nag-aalaga sa anak kaya huminto na muna sa pag-aartista si Anne.

Samantala marami sa mga kapwa artista at mga kaibigan nina Erwan at Anne ang nagpa-abot ng pagbati kay baby Amelie.

credit to annecurtissmith | ig

“Starting to see your face na talaga kay Dahlia! Happy birthday Dahlia!” wika naman ni Luis Manzano sa kanyang komento.

“Happy Birthday Dahlia! Please be a good influence to your cousin, not sneaking at night to go out and those sort of things,” pabirong pagbati ni Nico Bolzico.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending