Tunay ngang labis ang galak na nadarama kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay lalo na ang iyong pamilya. Makita mo lamang silang nakangiti ay mapapawi na ang lahat ng pagod na iyong nadarama.
Iba talaga ang ligayang hatid sa atin ng ating mga mahal sa buhay. Makasama lang natin sila sa kahit simpleng mga bonding moments ay talaga namang sobrang priceless. Sabi nga nila, ‘There is no place like home.’

Maraming pamilya ang tunay ngang ipinagtitibay ng mga get-together moments. Sa mga simpleng tawanan, simpleng salo-salo o kahit sa simpleng mga ganap ay nagdudulot ng napakalaking impact na nagpapatibay lalo ng samahan.
Gaya na lamang sa post na ibinahagi ng aktres na si Anne Curtis sa kanyang Instagram account. Nagpaabot ito ng pagbati para sa kanyang asawang si Erwan Heusaff na nagdaos ng kaarawan noong January 10.

Kilala natin si Anne Curtis-Smith bilang isang Filipina-Australian na aktres, model, Tv host, entrepreneur, at recording artist. Nakatanggap na rin siya ng ilang mga parangal gaya ng FAMAS awards, Luna award, Metro Manila Film Festival awards, at PMPC Star awards for television.
Kabilang rin noon ang aktres sa ABS CBN noontime show na It’s Showtime bilang isa sa mga host ng programa. Kasama niya rito sina Vhong Navarro, Vice Ganda, Karylle, Jugs and Teddy at iba pa.

Ang asawa naman ni Anne Curtis na si Erwan Heusaff ay isa sa mga prominent social media personalities at media influencers sa Pilipinas. Nakilala rin lalo si Erwan Heusaff dahil sa kanyang YouTube channel kung saan nagbabahagi siya ng mga food-related videos.
Matatandaan namang ikinasal sina Anne at Erwan noong November 12,2017 sa Thurlby Domain, Queenstown, New Zealand. Isang napakaganda at nakaparomantic na garden wedding ang naganap. Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya kasama na rin ang malalapit na tao sa buhay ng mag-asawa.

Sa post nga na ibinahagi ni Anne ay makikita ang kanilang family picture na may caption na,
“Home is wherever we’re with you. Belated happy birthday @erwan. We love you to the moon and back.”

Makikita ang labis na kasiyahang nadarama ng pamilya. Buhat ni Erwan ang anak na si baby Dahlia at si Anne naman na nakahalik sa pisngi ng asawa. Halata namang masayang-masaya ang birthday boy kasama ang kanyang magagandang mag-ina.
Source: Anne Curtis Instagram