Connect with us

Entertainment

Anne Curtis, mukhang hindi nagkaroon ng baby sa sobrang sexy ng katawan sa mga latest pictures nito sa IG

Usap-usapan ngayon lalo na sa mga kababaihan ang mga paraan at mga tips kung paano magkaroon ng magandang hubog ng katawan. Para sa iba, hindi ito madali, ngunit may mga tao din naman na walang kahirap-hirap na nakakamit ang magandang hugis ng katawan kahit pa nagkaroon na ng mga anak at nagkakaedad na.

Samantala, ang sikat at hinahangaan natin na celebrity at isnag ganap na din na momshie na si Anne Curtis ay nagbahagi rin ng kanyang mga nakakabilib na body transformation pagkaraan ng ilan buwan pagkatapos nito isilang ang kanilang kauna-unahang baby na si baby Dahlia.

Si Anne Curtis ay isa sa mga paborito nating host sa It’s Showtime. Napangasawa nya ang kanyang long-time boyfriend na isang French at mahusay na chef na si Erwan Heusaff, kapatid ni Solenn Heusaff. Hindi na kataka-taka kung bakit napaka-cute at napaganda ng kanilang anak dahil na rin sa kagandahan at kagwapuhan nitong si Erwan at Anne.

Sa kabilang dako, ibinahagi ni Ann sa kanyang latest post sa IG na tila hindi ito nakaranas manganak. Napakaganda pa rin ng kanyang katawan na bumalik sa dati pagkatapos nito magbuntis at isilang ang anak. Kung ang ibang mga mommy ay nahirapan, tila walang bahid ng hirap sa pagpapayat kay Anne.

Pinuna din at nagkomento ang mga kapwa nya artista kagaya nina Andi Eigenmann at Jessy Mendiola na namangha at nagapaabot ng pagbati sa kay Anne.

Sa kabila ng pagiging busy at full-time mommy, patuloy pa rin ang pagtanggap nito ng mga brand and product endorsements nito. Kitang-kita pa rin ang ganda ng kanyang mukha.

Maaring isa sa mga sikreto nito ay ang pagiging physically active at fit bago pa man ito nagkaroon ng baby at hanggang ngayon ay pinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang mga physical routines upang mapanatili ang pagiging malusog at sexy.

Kagaya ni Anne, kaya rin ng kahit sinong mommy ang maibalik ang dating magandang hubog ng katawan basta’t may determinasyon, disiplina at aksyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending