Connect with us

Celebrity

Showbiz Artist Who Started their Careers as Commercial Model

Hindi lahat ng artista ay biglang sikat o kilala na agad dahil sa kanilang showbiz clan, ilan sa kanila ay nag-simula lamang bilang isang commercial model hanggang sa napasok na ang mundo ng pag-aartista at sumikat dito. Kung malalaman mo kung sino ang mga ito baka magulat ka na lamang, ang iba sa kanila ay iniidolo mo. Narito ang mga dating commercial model bago naging sikat na artista.

Nadine Lustre

Si Nadine kalahati ng tambalang Jadine at kapareha sa tunay ng buhay ni James Reid, bata pa lamang ito ay aktibo na sa pagganap sa iba’t ibang commericial and print ads. Sadyang hilig niya ang pag-arte kaya naman noong nabigyan ng pagkakataon ay agad niyang pinasok ang mundo ng showbiz. Sa ngayon si Nadine ay masasabing isa sa mga sikat na artista sa kanyang henerasyon. Si Nadine ay naging bahagi ng mga commercial na ito; coca-cola, bambini, red ribbon, kit kat at marami pang iba.

Coleen Garcia

Kung naaalala pa ninyo ang commercial ng ice tea kung saan gumanap siya bilang Martina at nambasted ng kanyang manliligaw. Sa kasalukuyan asawa na siya ng isa sa magaling na host ng ating bansa na si Billy Crawford. Hanggang ngayon ilang commercial na shampoo at pampaputi ang kasama siya.

Gabby Concepcion

Ang ama ni KC concepcion at batikang aktor ay nakilala sa commercial na close up boys noong dekada 80.

Ding Dong Dantes

Kapuso aktor at kilala prime time king ay nagsimula bilang child model sa edad na dalawang taon bago nasundan ng mga tv ads. Kalaunan naging miyembro ng abstract dancers at tuluyan ng pinasok ang mundo ng showbiz.

Marian Rivera

Ang batang Ramp Model noon na nakitaan ng potensyal ng isang TAPE Inc big boss at ito ang naging daan upang umusbong ang karera sa GMA at kilalaning prime time Queen ng nasabing istasyon. Tinuturing na isa sa may pinaka-magandang mukha sa showbiz at sa kasalukuyan kabiyak ni Ding Dong.

Alden Richards

Ang dating part-time commercial model at dumaan sa iba’t ibang audition para lamang makapasok sa showbiz, dahil ito na rin ang kahilingan ng kanyang ina namayapa. Ngayon kilala siyang pambansang bae at kamakailan laman naging parte ng matagumpay na pelikulang. Hello, Love, Goodbye kung saan kapareha nya dito si Kathryn Bernardo.

Ina Raymundo

Isa na siguro sa hindi malilimutan ang Sabado Nights girl sa isang commercial ng serbesa ang napakaseksing si Ina Raymundo, kung saan ito talaga ang kanyang naging daan makapasok sa showbiz.

Ellise Joson

Ang magandang si Ellise ay galing sa food chain commercial, bago makapasok sa bahay ni kuya at naging ganap na artista.

Dawn Zulueta

Ang walang kupas sa kagandanhan na si Dawn ay produkto din ng commercial ng Close Up kung saan nakasama nya dito ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon.

Isabel Oli

Gumanap sa commercial na sarap to the bones ng isang kilalang restaurant kasama si Piolo Pascual at kalaunan at nadiskubre bilang artista. Sa ngayon ay asawa na siya ni John Prats.

Sino pa ba ang kilala ninyong artista na nagsimula bilang commercial model.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending