Connect with us

Entertainment

Ate Gay, may kapalit na blessing sa pagsasara ng kanyang negosyong Ate Gay’s Siomai: Siomai Himala

Kapag nag nenegosyo ay handa ka sa anumang maaring maging resulta. May mga panahon na matumal ang kita, may mga araw din naman na malaki ang income. Samantala, nitong pagdating ng pandemya, maraming negosyo ang labis na naapektuhan at ang iba ang napilitan ng huminto at magsara.

Sa kabilang dako, ang pagsasara ng negosyo para sa komedyanteng si Ate Gay ay isang magandang pangyayari at positibong bagay.

credit to ategay08 | ig

Noong nakaraang taon lamang binuksan ni Ate Gay ang kanyang negosyo na Ate Gay’s Siomai dahil nawalan din umano sya ng trabaho dala ng pandemya. “ECQ, wala akong magawa, e, sarado yung mga ano, comedy bars, e, hangga’t wala kang mga ginagawa, e, ‘di nagtayo ka ng Siomai Himala.”, banggit nito sa isang panayam.

credit to ategay08 | ig

Para sa komedyanteng si Ate Gay, good news na maituturing ang pagsasara nya ng kanyang siomai store dahil ibig sabihin lamang nito ay may trabaho na syang muli. “Ngayon nung medyo okay-okay na ang trabaho, isinara ko na,” saad nito.

Dahil hands-on umano ang komedyante sa kanyang Ate Gay’s Siomai, kinailangan na muna nyang itigil ang pagbebenta dahil babalik ng muli ang kanyang trabaho sa showbiz. “E, kasi walang nagbabantay. Pag wala ako dun, walang bumibili, e! Kasi ‘yung mga bumibili dun, nagpapa-picture kasi nga ang ganda ng appearance ko sa 24 Oras”, sabi nito. Naibalita ang kanyang Ate Gai’s Siomai sa 24-oras sa GMA noong nakaraang taon.

credit to ategay08 | ig

Abala na ngayon si Ate Gay sa mga tapings nito para sa mga bago nitong proyekto na pelikula na “Ayuda Babes” kasama sina Gardo Versoza, Petite Brockovich, Brenda Mage, Negi, Juliana Parizcova Segovia, Iya Mina, Joey Paras, at Zeus Collins.

“Okay naman, masaya! Sabi ko nga dapat pala ganito ‘yung mga pelikula para hindi ka nahihirapang magpatawa. Kasi bukod sa nakakatawa ‘yung mga kasama ko, e, talagang lalaban ako sa pakikipagtawanan,” pahayag pa ni Ate Gay.

credit to ategay08 | ig

“Kasi bukod sa nakakatawa ‘yung mga kasama ko, e, talagang lalaban ako sa pakikipagtawanan,” he continued.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending