Connect with us

Uncategorized

Bagong Hobby ni Kim Rodriguez, Ikinatuwa Ng Mga Fans

Lahat tayo ay may kanya-kanyang hilig at gusto. Babae at lalaki ay magkaiba ngunit meron din namang hilig ang mga lalaki na hilig din naman ng mga babae. Kagaya na lamang ng pag-awit, meron tayong mga sikat na singers na mahilig sa larangang ito mapababae man o lalaki.

Isa pa ang pagsasayaw o ang pag-arte, marami ang mga hilig na kadalasan ay pwede sa babae at pwede rin sa lalaki or vice versa. Ang iba naman ay sa pag momotorsiklo o pagdadrive ng kotse, o kaya naman ay bisekleta. Isa itong paraan ng pagpapasaya natin sa ating sarili o paglilibang ng sa ganoon ay makapag pahealthy sa ating katawan pisikal,emosyonal at mental.

May mga aktor at aktres din tayong madalas nating makita na nagbabahagi ng kanilang mga hobbies nitong mga nakaraan. Ang iba ay dahil pandemic kung kaya naman naghanap sila ng mapagkakaabalahan. Isa na rito ay ang aktres na si Kim Rodroguez.

 

Sa kanyang mga posts ay makikitang ibinabahagi niya ang kanyang mga larawan sakay ang mga big bikes o ibat ibang klase ng mga motorsiklo. Marahil sa ibang babae ito ay delikado o nakakatakot ngunit para sa aktres ito ay isang magandang hobby o challenge.

Sa iba niyang mga IG posts ay makikitang ibat-ibang big bikes na ang kanyang natutunan. Sinimulan ni Kim ang pagsasanay sa big bikes noong December kabalikat ang Philippine Superbike champion Dashi Watanabe bilang kanyang coach.

Ayon kay Kim”Third day palang ng training I can’t believe nagawa ko na mag knee drag, sobrang nakakatuwa unti unti na ako natututo,”ayon sa kanyang Instagram post. Ayon pa sa kanya “ Hindi madali pero dahil napakagaling ng coach ko mabilis ako natututo. Thank you sa napakagaling at humble na coach ko, Dashi Watanabe.”

Malaki ang tiwala ni Kim sa kanyang coach na si Dashi dahil champion ito sa ganitong larangan. Tiwala at lakas ng loob ang mga bagay na natutunan ni Kim sa pagpasok niya sa larangang ito. Naging panatag ang loob ni Kim dahil sa galing ng kanyang coach at kailangan din talagang hindi takot ang paiiralin sa ganitong larangan kundi lakas ng loob.

Lahat naman ng bagay ay kaya ng tao. Minsan lang ay nagiging hadlang ang kahinaan ng loob at kompyansa sa sarili. Tulad ni Kim, hinarap niyang parang challenge ang kanyang hobby at ngayon ay ineenjoy na niya ito.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending