Connect with us

Entertainment

Baron Geisler, aprubado ang aplikasyon bilang isang naval reserve force

Marahil tumatak sa isipan ng marami na ang aktor na si Baron Geisler ay hindi mabuting tao at masamang impluwensya. Subalit marahil ay bumilib ka din kung paano sya tumalikod sa dati nyang buhay at nagbago.

Ang aktor ay patunay na kaya ng tao magbago dahil sa kabila ng kanyang hindi mabuting gawain at bisyo noon, ngayon ay isa na syang “changed man”.

Sa kanyang mga latest interviews at appearances sa media, malaki ang pagbabago nito mula sa mayabang at mainitin ang ulo kagaya ng mga karakter na ginampanan nya dati sa mga palabas.  Ngayon ay isa na syang mapagkumbaba, responsableng ama at asawa, at isang mabuting halimbawa sa mga kabataan na minsan ding naligaw ng landas sa buhay.

Kakatapos lamang ng kanyang application bilang isang naval reserve force at proud at masaya itong ibinahagi sa kanyang social media.

“My day was such a blessing. Thank you, Abba Father for leading and guiding me to the right path. My life is purposed to serve YOU and the people I meet on this journey. Thank you for protecting me and my family. I love You!” ayon sa kaniyang caption sa kanyang IG post na nagpapakita ng kanyang litrato sa Naval Reserve Center- Eastern Visayas sa Cebu City.

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ituloy-tuloy mo lang yan Baron tutulungan ka ng tropa i-guide ka nila. Hindi ka nagkamali sa desisyon mo tama ang course na pupuntahan mo,” wika ng isang netizen.

 “Wow, proud here, nag-goose bumps ako, and I’m tearful kasi from day 1 I believe in you, marami ka pa ibubuga. I am happy tuloy-tuloy na journey mo to a better person. More power to come! May God continue to guide and bless you,” mula naman sa isang masugid na tagahanga ng aktor.

Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Baron, tila ito ay bumbawi ngayon at inaayos ang buhay lalo na at pamilyado na ito at may anak.  Sa katunayan ay kumuha din siya ng AB Theology na modular course. Malaki din ang naitulong ng kanyang pananampalataya sa Diyos na nagbago sa kanyang buhay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending