Connect with us

Celebrity

BB Gandanghari Gumanap sa Netflix sa seryeng Glow

Isang artista na galing sa kilalang angkan na si BB Gandanghari ay parte ng isang palabas
sa pinakabagong yugto ng Glow, isang serye ng komedya ng Amerikano na kasalukuyang streaming sa Netflix. Gumawa ng isang apperance si BB Gandanghari sa ikawalong yugto ng ikatlong season ni Glow.

image credit to rightful owner

Sa nasabing serye, gumanap ang aktres bilang si Patricia, isang manghuhula at tagbasa ng kapalaran sa tarot card. Ibinahagi din ni BB ang isang eksena kasama si Alison Brie na gumaganap kay Ruth “Zoya the Destroya” Wilder, isa sa pangunahing mga character ng nasabing serye. Ang mga tagahanga ni BB Gandanghari ay lubos na nasiyahan at kanilang ibinahagi kasiyahan sa Twitter nang makita ang BB sa seryeng Hollywood. Alam ba ninyo na hindi lang ito ang unang proyekto sa pag-arte ni BB sa Amerika.Ilan sa mga kanyang palabas na ginampanan ay isang yugto sa palabas na “Too Old To Die Young”, isang serye na na-stream sa Amazon Prime. Sila Miles Teller, Taylor Hill, at Jena Malone ay ilan sa mga bituin ng nasabing programa Old To Die Young.

image credit to rightful owner

Noong Setyembre 2017, ipinahayag ng BB sa isang buradong Instagram post na siya ay naka kontrata sa The Brogan Agency, isang talent agency na nakabase sa California. Noong buwan naman Disyembre sa nasabing taon din, ipinahayag ni Robin Padilla, kapatid ni BB sa isang serye ng Magandang Buhay na nagtatrabaho ang kanyang kapatid bilang isang driver ng Uber at bilang isang modelo habang naghihintay ng kanyang break sa pagp-arte. Ang nasabing pahayag ni BB ay kinabahala ni Robin dahil wala naman kilala ito sa nasabing bansa kung minsan nakikitira lamang sa mga kaibigan.

image credit to rightful owner

Pahayag ni Robin:
“Medyo kinakabahan lang ako dahil siyempre Amerika yun. Hindi ko naman kabisado ang mga tao doon.
“Kung saan-saan siya pumupunta. Nagka-cross country siya para sa mga hindi niya kilala.”

Si BB, na dating kilala bilang action star na si Rustom Padilla, ay lumabas sa isang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 1 noong 2006. Binuksan niya sa publiko ang tungkol sa kanyang sekswal na pagkakakilanlan sa kauna-unahang pagkakataon sa kapwa niya kasambahay na si Keana Reeves.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending