Pangarap ng bawat magulang ang makitang nagtatagumpay ang anak sa anumang hangarin sa buhay, at isa na ang makapagtapos sa pag-aaral.
Maituturing nga na tagumpay ang pagtatapos sa kolehiyo dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makapagtapos. Sa hirap ng buhay ngayon, isang malaking halaga ang kinakailangan upang matustusan ang lahat ng pangangailan sa pag-aaral. Bukod pa rito, nariyan ang napakaraming temtasyon lalong-lalo na sa mga kabataan.

photo credit to vhongx44 | ig
Kaya naman labis ang pagkatuwa at pagiging proud ng aktor/singer/comedian at ama na si Vhong Navarro dahil sa wakas ay nakapagtapos na ang kanyang anak na si Fredriek Vhong Navarro. Ito ay nakapagtapos sa kursong BS in Information Technology sa University of Santo Tomas. Ito raw ay maituturing ng aktor na pinaka the best na regalo na kanyang natanggap.

photo credit to vhongx44 | ig
Si Fredriek ay panganay na anak ni Vhong sa dating non-showbiz girlfriend. Mayroon itong nakababatang kapatid na si Isiah, anak ni Vhong sa artistang si Bianca Lapus.
Makikita sa mga litratong inapload ng aktor ang malaking pagkakahawig nila ng anak. Maraming netizens naman ang namangha at natuwa sa aktor dahil sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ay nagbibigay umano ito ng atensyon sa mga anak lalo na ang pagsuporta sa pag-aaral sa kolehiyo.

photo credit to vhongx44 | ig
Inamin ng aktor na maraming oras umano ang hindi nya naibigay sa mga anak noong sila ay bata pa kaya’t bumabawi ito ngayon at nagsisilbing kaibigan nila at ama. “Late bloomer akong naging tatay. So parang masyado na silang malaki, nasa tamang edad nung naging super close kami. Kasi masyado kong inuna that time ‘yung trabaho,” wika ni Vhong.

photo credit to vhongx44 | ig
“Kumbaga, ‘pag-aalis ako kasama ko ‘yung mga kaibigan ko, kasama ko sila. Kasi gusto kong iparamdam sa kanila na ito ‘yung na-miss ko. ‘Di ko kayo nakasama nung bata, eh,” dagdag pa nito.
Mas nagiging matagumpay nga ang mga anak kapag nandyan ang mga magulang na nakaagapay sa bawat desisyon at mga plano na gagawin.