Connect with us

Entertainment

Bossing Vic Sotto masayang nagdiwang ng kanyang ika-67th birthday, Mga pamilya naghatid ng maligayang pagbati

Sadyang marami ngayon ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa bahay lamang dahil nga sa pandemya na ating nararanasan ngayon.

Samantal sa ikalawang pagkakataon na nag-celebrate ng kanyang birthday ang movie at TV icon na si Bossing Vic Sotto sa ilalim ng community quarantine.

Ngayong araw mismo, April 28, ang ika-67 kaarawan ng veteran actor at TV host at live pa rin siyang nag-host sa episode kanina n “Eat Bulaga.”

Sinorpresa naman ng production at ng mga Dabarkads si Vic sa pamamagitan ng kanilang birthday greetings kabilang na riyan ang mga nasa studio na sina Maine Mendoza, Jose Manalo at Wally Bayola.

Bumati rin sa pamamagitan ng video call sina Joey de Leon at Tito Sotto. Kinantahan din si Bossing ng sarili nitong version ng birthday song ng kanyang anak na si Tali kasama si Pauleen Luna na nasa kanilang bahay lamang.

Ani Vic sa kanyang birthday wish, “Good health para sa lahat ng tao.”

Kasunod nito, ipinakita rin ni Pauleen sa mga Dabarkads ang home celebration ng kanyang mister.

“To our main man, you are so loved and blessed. Not because you have everything you want but because God blessed you with everything you need.

“I pray that the Lord will bless you with a life filled with love, peace and contentment. I will always be here to love, care and protect you.

“I thank the Lord for your life not only today but EVERYDAY! Happy birthday, my love! I love you, always and forever,” pahayag ni Poleng.

Kuwento pa ng TV host-actress, hindi napigilan ni Vic na maging emosyonal nang makipag-video call ito sa kanyang mga anak na sina Oyo, Danica, Vico at Paulina Sotto kasama ang kani-kanilang pamilya.

Bukod pa rito nag-post din si Pauleen ng kanilang family photo na may caption na, “To our main man, you are so loved and blessed. Not because you have everything you want but because God blessed you with everything you need.

“I pray that the Lord will bless you with a life filled with love, peace, and contentment. I will always be here to love, care and protect you.

“I thank the Lord for you life not only today but EVERY DAY! Happy birthday, my love! I love you, always and forever.”

Narito naman ang mensahe ni Senate president Tito Sotto sa nakababatang kapatid, “To my beloved brother Ek-Bi, here’s wishing you a very blessed and happy birthday! May GOD continue to shower you with blessings and protection. Keep safe.”

Sabi naman ni Joey sa kanyang post, “Haberdey to the longest celebrating host on TV, husband of @pauleenlunasotto, VIC SOTTO! Pare saan ko padadala itong regalo ko?”

Mensahe naman ng panganay ni Bossing na si Danica Sotto-Pingris, “Happy 2nd quarantine bday Daddy! We miss you so much! Can’t wait for the day when we can hug you and spend time with you again. Enjoy your day! Love you!!!”

Ito naman ang birthday message ni Pasig City Mayor Vico Sotto para sa ama, “Happy 2nd Quarantine Birthday, Papa! Sana next birthday mo, puwede na tayong magkita-kita.”

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending