Connect with us

Entertainment

Boy Abunda, Ipinasilip ang Kanyang Pag-iikot sa Iba’t-ibang Sulok ng Kanilang Farm sa Batangas

Hindi man tayo basta basta makakapag byahe sa iba’t-ibang lugar, isa naman sa magandang naidulot ng pandemya ay ang mapuntahan natin ang mga lugar nasa palibot lang natin ngunit hindi natin napapansin.

Kaya naman minabuti na rin ng kilalang host na si Boy Abunda na ikutin at bisitahin ang kanilang farm sa Lipa, Batangas na mahigit 21 years na umanong nabili subalit hindi pa nya naiikot ang bawat sulok nito’.

Kamakailan lang ay kanyang ibinahagi sa kanyang BA’s Walk ang Talk vlog ang kanyang masaya at relaxing na pagbisita sa kanilang farm sa Lipa.

Sa unang bahagi ng video, makikita ang napakaraming punong kahoy at mga halaman ang bubungad sa iyong pagpasok sa farm. Naroon ang mahigit 100 puno ng kalamansi, mga guyabano, bayabas, rambutan, at iba pa.

Sa isang bahagi naman ng farm ay mayroong kapilya. Ayon kay Boy, ipinagawa nila ito para sa kanilang ina noong ito ay nagkasakit ng severe B12 deficiency. Dahil nahirapan na umano silang ibyahe ang ina at makapagsimba, napag-isipan ni Boy na pagawan nalang ng sariling kapilya ang ina upang doon na lamang makapagsimba at makapagdasal.

Dahil hindi na makakilos ang kanyang ina napag-usapan nila itong ipagawa. “Ano kaya kung mayroon tayong maliit na kapilya, sabi ng nanay dito sa farm. This is the reason why I had this small chapel”, pahayag ni Boy.

Kasya umano ang 9-12 katao. Ilang pasko at mga birthdays na rin nila ang pinagdausan ng kanilang misa sa mismong kapilya.

Nag-enjoy din sa pamimitas ng mga bunga ng rambutan si Boy at kinain ang mga ito. Malalaki din ang bunga ng puno ng kanilang bayabas. Mayroon din maraming puno ng cassava at mga puno ng mahogany.

Samantala, naroon umano si Boy upang magkaroon ng pictorial para sa isang brand na iniendorse ngunit napag desisyunan umano nitong ikutin ang kanilang farm dahil hindi pa talaga nito nakikita ang buong farm simula nang pagkabili nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending