Ang pagiging magulang o pagiging ina ay hindi natatapos sa pagluluwal ng anak. Kaakibat nito ang pagpapalaki ng maayos, pag-gagabay, pagtuturo, at pagiging takbuhan ng mga anak.
Si Carmina Villaroel at Zoren ay biniyayaan ng magagandang kambal na sina Cassy at Mavy. Mabilis ngang lumipas ang panahon at binata at dalaga na ang mga ito.

Kaya naman mahigpit ang aktres sa kanyang mga anak at nagbibigay ng mga patakaran sa loob at paglabas ng kanilang tahanan. “Kasi importante din naman na you really act as a parent. Secondary na lang ‘yung pagiging friend kasi marami naman silang friends”, sabi ni Carmina. “Isa lang ‘yung nanay nila, so ako pa rin dapat ‘yun, e, so ‘yun ang talagang role ko, mommy muna and then second, friend na nila,” dagdag pa nito.

Personal na sinasamahan nito ang mga anak sa mga birthday party na pupuntahan. Bawal umano ang pagpunta sa anumang bars, o clubs maliban sa mga restaurants at house events na dapat ay ipinag-papaalam sa kanya.
Kapag lumalabas ang kanyang mga anak, kinakailangan umanong umuwi na kapag curfew hours na nila sa bahay sa alas dose ng hating gabi. Subalit ayon kay Carmina ang mga anak daw ay mahilig humiling na iextend ang oras sa labas kaya tinawag nya silang “Mr.Tawad”at “Ms.Tawad”. Wika nito, madalas ay umaabot nalang ng ala-una ng madaling araw ang mga anak. Pinapayagan naman umano niya ito dahil nagpapaalam naman sila at kilala naman nito ang kanilang mga kaibigan.

Lubos naman na nauunawaan ng mga anak ang pagiging strikto ni Carmina bilang isang ina. Sabi ni Cassy, “Kahit sobrang puyat ka sa work, sobrang pagod, you’re super sick, it doesn’t matter, you’re always you. Walang bad days, I mean everyone has their good and bad days. Pero ikaw parang wala e. Parang it’s always the same day for you. Always the good day. Kasi you always enforce that to be the positive change,”mensahe nito sa ina.

“I want to thank you for being so selfless. Kasi you think of us more than yourself. You’re the most selfless person I know. I couldn’t ask for a better mom… I’m very blessed to have you as mom”, dagdag pa ni Cassy.