Ngayong hindi tayo basta-basta nakakalabas ng bahay at nakakagala, malaking tulong ang social media upang tayo ay makapag-aliw at makapagrelax sa mga nakakaistress na mga pangyayari sa ating paligid.
Isa na marahil ang panunuod natin ng mga vlogs ng ating mga paboritong artista o mga personalidad.
Si Ivana Alawi ngayon ang isa sa mga pinaka-sikat na vlogger sa bansa dahil na rin sa angking kagandahan nito at ang kanyang magandang hubog ng katawan. Mayroon na itong mahigit 9.5 million subscribers sa YouTube.
Sikat na sika tang mga vlogs ni Ivana kasama na riyan ang kanyang sexy carwash video, bus wash, at pati na rin paglalaba.
Kaya naisipan din ng celebrity doctor at ngayon ay vlogger na din sa si Dra. Vicki Belo nag awing guest si Ivana sa kanyang vlog na pinamagatang Carwash Challenge with Scarlet and Ivana Alawi.
“I’m wondering why people love to watch your carwash videos, your ‘laba’ videos and it’s the girls who love to watch it. Do you understand kung bakit ganun?” tanong ni Dra. Vicki Belo kay Ivana.
“Hindi talaga. Wala eh kasi normal ko siyang ginagawa so parang hindi ko din pa naiintindihan Doc.”, sagot naman nito kay Dra. Vicki.
Noong una ay nag heart-to-heart talk pa ang dalawa tungkol sa kanilang mga pinagdaanan sa buhay pati na rin sa kanilang mga relasyon.
“So my advice to you is look for a husband who is a Christian. Kasi yung husband na Kristyano, they know that God is everywhere. Iba sa kanila, Even if the wife or girlfriend doesn’t catch them, alam ni Lord, so mako-convict.” payo ng doktora kay Ivana.
Wika ni Dra. Vicki na hindi daw sya natuto sa mga gawaing bahay at nais nito na mapag-aralan din nila kasama ang kanyang limang taong gulang na anak na si Scarlet.
Makikita sa video na aliw na aliw sina Ivana, at Dra, Vicki sa kanilang carwash tutorial dahil game na game naman si Dra. Vicki na sundin ang kanyang mga pinapagawa.
Sa bandang huli ng video ay binasa ni Scarlet Snow si Ivana ng tubig mula sa hose, nagkabasaan nalang sila at nagtawanan. Naging viral agad ang video at umabot na sa mahigit 1.5 million views.