Connect with us

Entertainment

Close friends na sina Sunshine, Ruffa, Jackie, Karla, at Vina, Masayang Nagpa-Despedida para sa BFF nilang si Donita Rose na Maninirahan na sa Amerika

Isa sa mga bagay na hindi nabibili at natutumbasan ng anumang material na bagay ay ang pagkakaroon ng tapat at tunay na kaibigan na magiging sandalan at suporta sa lungkot man o saya. Subukin man ng panahon at iba’t-ibang hamon, ang totoong kaibigan ay nanatili kahit na magkalapit man o magkalayo.

Ang mga artista ay may kanya-kanyang grupo at mga kaibigan kung saan nagiging komportable sila sa isa’t-isa. At hindi nga maikukubli ang isang matibay na pagsasamahan ng magkakaibigang Sunshine Cruz, Ruffa Guttierez, Jackie Foster, Karla Estrada, Vina Morales, at Donita Rose.

Kamakailan lang ay nagpost sa Instagram sina Sunshine at Jackie ng kanilang masayang bonding moment para sa despedida party ng kanilang BFF na si Donita Rose. Simula pa sa kanilang pagkadalaga ay magkakaibigan na ang mga ito, hanggang ngayon.

Lumipas man ang ilang taon, nagkaroon man ng mga sariling pamilya ang isa’t-isa, ay hindi parin nagbago ang kanilang matalik na pagkakaibigan at masayang samahan.

Bago paman muling maideklara ang MECQ, mapalad ang magkakaibigan at nagkaroon sila ng pagkakataon na magkita-kita. Sa larawan, masayang-masaya sila sa isang swimming pool na may kanya-kanyang hawak na inumin.

Wika ni Sunshine sa kanyang post, “So happy to see these beautiful momshies for Donita’s despedida. We will miss you, Dee. We love you.”

Sa isang video clip naman na ibinahagi ni Jackie ay enjoy na enjoy silang nag videoke. “this is the only time that Ruffa isn’t poised”, wika ni Jackie dahil umano ay sobrang saya nila. “Friends forever through thin… and now through thickness”, pabirong sabi pa ni Jackie.

Si Donita ay babyahe na papuntang US para doon na manirahan. Matagal na namang muling makikita ang mga kaibigan at tunay na mamimiss nila ang isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

“For my BFF Donita Rose, who will wisely start a new life in America. We will miss you girl! No depressing goodbyes though… just see you again super soon. P.S. who knows? Your prince charming might be there waiting for you”, mensahe naman ni Ruffa sa kaibigan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending