Connect with us

Entertainment

Cute na lumang larawan ng magkapatid na Ria at Arjo Atayde, Kinagiliwan online

Kung mayroong isang taong bubuo ng iyong kabataan, ito ay ang iyong kapatid at mga magulang. Habang tayo ay lumalaki ay naiiwan ang mga memorya ng kabataan sa pamamagitan ng mga litrato. Ito ang nagsisilbing look-back natin sa mga ala-ala ng ating kabataan o mga happy memories na tayo ay nagkakaroon. Mga achievements kagaya ng graduation, pagdiriwang ng mga kaarawan o pag-gunita sa mga lumilisang kapamilya natin.

 

Kilala si Ria at Arjo Atayde lalo’t sila ang anak ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez. Marahil isa ka rin sa nakasubaybay sa paglaki ng magkapatid na ito lalo na ang pagpasok ni Arjo sa showbiz world sa kanyang murang edad. Sa selebrasyon ng ika-10 taon ni Arjo sa showbiz world ay ibinahagi ni Ria ang kanyang paghanga sa galing ng kanyang kapatid at maging ang kanyang pagbati.

Sa Instagram post ni Ria ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Arjo noong bata pa lamang sila pisil ang pisngi ng bawat isa. “This dude marks his 10th year in showbiz today. What a beautiful 10 year career it has truly been!! ☹ I am so proud of you and of everything you have achieved,” pagbati ni Ria.

“But among all the roles you’ve portrayed, my favorite would still have to be my brother because even with the craziness of everything else, that’s one thing you’ve never forgotten to do – to stay humble and to be the same Arjo you have always been.” Dagdag pa ng aktres.

Sa makabag damdaming post na ito ni Ria ay agad namang sumagot ang kanyang kapatid. “Thank you wiwi! Could have not survived 10 years without you. I love you wi.. thank you for being the best sister anyone could ask for. Solid,” pagsagot ni Arjo.

Sa cute na cute na old picture ng dalawa ay “and yes to remaking the photo” ang sagot ni Arjo sa request ng kapatid na magkaroon ng remake sa kanilang picture ngayong grown-ups na sila. Kinagiliwan ng nitizen ang kanilang cute na cute na mga old pictures at lahat ay inabangan ang kanilang remake.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending