Connect with us

Entertainment

Daniel Padilla nagbigay ng advice kung paano mapapaganda at mapapatatag ang isang relasyon

Isa sa mga sinusubaybayan at hinangangaan na love team ay ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ngunit hindi lamang sa harap ng kamera sila magka relasyon, ngunit pati na rin sa totoong buhay.

photo credit to imdanielpadillaofc | ig

Sa mahabang panahon na sila ay magkarelasyon, aminado ang dalawa na hindi naman lahat ay puro madali, dahil dumaan din sila sa mga pagsubok at hirap sa isang relasyon. Samantala, ibinahagi ni DJ ang kanilang mga sikreto paano tumagal ang isang relasyon.

photo credit to imdanielpadillaofc | ig

“After almost 11 years yung pagsasama namin parang tantiyado na namin ‘yung isa’t isa eh. Kasi bawat galaw namin alam na namin. Konting ano lang ng mata nito alam ko kung may sakit ito or natatakot ito, alam mo ‘yun,” pahayag ni Daniel sa isang interview.

photo credit to imdanielpadillaofc | ig

Sa napakatagal na panahon ay kilala na nila umano ang isa’t-isa at alam kung ano ang nararamdaman. Mahalaga din ayon sa aktor ang pagbabalanse ng oras at ang hindi pakikipag-kompetensya sa isa’t-isa. Batid naman natin na pareho silang sikat at patuloy na lumalago ang karera sa showbiz.

photo credit to imdanielpadillaofc | ig

Siguro yung tamang balanse lang, yung compromise ng isang relasyon. Yung pagbibigay ng oras sa kanya, pagkakaintindihan. Hindi puwedeng pataasan ng ihi, hindi puwedeng ganun. Hindi puwedeng pagalingan kayo. Dapat kayo ay nagtutulungan. Dapat sabay kayong natututo. Kasi ganun yung sa akin. Hindi puwedeng paligsahan ang isang relasyon,” pag-eeksplika ng aktor.

photo credit to imdanielpadillaofc | ig

Marahil ay epektibo nga ang kanilang sikreto dahil nagtagal ang kanilang relasyon sa kabila ng hirap lalo na sa harap ng kamera at sinusubaybayan ng maraming tao.

Sa pabiro pang mensahe ng aktor, “Pagkain. ‘Yan yung sikreto sa isang relationship, ‘yung pagkain. Magsalo-salo. Masarap na pagkain, masarap na usapan is the best,” wika nito.

Hiling at dasal naman ng aktor na palagi silang maging malusog sa gitna ng pandemya ngayon, at patuloy lang na maging matatag ang kanilang pagsasama ng aktres at matuto pa para sa ikalalago ng kanilang relasyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending