Connect with us

Entertainment

Dating Partner ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez, Ginulat ang Netizens sa Kanyang Pagiging Matatag at mas Gumanda ang Itsura nito

Sa halip na magpakalugmok sa kalungkutan at sakit, marami ang humanga sa ex-girlfriend ni Jovit Baldivino pagkatapos itong muling nagpakita sa social media ng mas magandang version ng kanyang sarili.

Marahil marami ang makakarelate sa kwento ng pinagpalit at iniwan para sa ibang babae sa kabila ng pagbibigay ng pagmamahal na tunay, kagaya ni Shara Chavez. Napag-alaman nitong may ibang karelasyon umano ang sikat na OPM singer.

Marami pa ang nagulat sa rebelasyon ni Shara tungkol sa tunay na pakikitungo at trato sa kanya ni Jovit at sa kanilang anak. Hindi ito naging madali kay Shara, subalit mas pinili nyang magpakatatag at tulungan ang sarili na magpatuloy sa buhay kasama ang kanilang anak.

Ibinahagi ni Shara ang kanyang mga litrato kasama ang anak nila ni Jovit. Kapansin-pansin naman ang kanyang mukha na hindi nakikitaan ng bahid ng problema o stress na dulot ng mga pangyayari. Mas lalo pa itong naging maganda at maaliwalas ang itsura.

Mas pinili ni Shara na hindi maghiganti sa ginawa ng dating boyfriend subalit ang kanyang ipinakita ay ang kagandahang mukhang hindi apektado sa mga pangyayari ay para na ring pagpapakita sa singer na si Jovit na sinayang lamang nito ang pagkakataon na magkaroon sila ng maganda at masayang pamilya.

Maaring mas magiging masaya at Malaya pa ito na hindi kasama si Jovit kaysa sa tumira sa iisang bahay na nagdudulot lamang ng sama ng loob sa kanya.

Mabuti na rin at sa poder nito ang kanilang anak dahil mas mapapaghugutan nya ng lakas ng loob at makapagbibigay sa kanya ng saya sa kabila ng sakit na naidulot ng kanyang ama kay Shara.

Sa mga larawang ibinahagi ni Shara, hindi mo maiisip na may anak na ito dahil maganda parin ang hubog ng kanyang katawan. Iisipin mo na magkapatid lang sila ng kanilang anak.

Sana ay makahanap at makatagpo na rin siya ng tunay na lalaki na magpapaligaya sa kanya ng tunay at hindi siya ipagpapalit sa iba.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending