Marami sa atin ang nangangarap maging artista, maging sikat, maging marami ang proyekto, makaipon ng maraming pera, at maging kilala sa buong bansa.
Ang Pinoy Big Brother o PBB ay isa lamang sa mga pamamaraan kung saan naisasakatuparan ng ibang mga pinoy, bata man o matanda ang pangarap na maging artista. Marami ang nagtityaga na mag-audition at nagbabaka-sakali na manalo at makapasok sa PBB house.

photo credit to kaori_oinuma | ig
Kamakailan lang ay isa sa mga pinalad na maging housemate si Kaori Oinuma ang Kawaii Daughter ng Japan sa Pinoy Big Brother Otso. Dahil sa kanyang ipinamalas na galing at husay sa loob ng Bahay ni Kuya ay nagustuhan sya ng taong bayan na naging dahilan upang iboto sya bilang isa sa mga big winners. Nanalo si Kaori bilang 3rd Place sa PBB 8 at nakasama sa Big 4 sina Jelay Pilones, Karina Bautista, and Lie Reposposa.

photo credit to kaori_oinuma | ig
Samantala, ibinahagi ni Kaori ang kanyang pinagdaanan noon bilang isang caregiver sa Japan kung saan sya ipinanganak. Ayon sa ex-housemate, noong siya ay labing-anim na taong gulang ay naranasan nyang maging isang caregiver.

photo credit to kaori_oinuma | ig
“Summer vacation po naming, one month po yun, ayaw ko pong tumambay lang sa bahay. Tinulungan ko po ang mama kong magtrabaho as a caregiver. Yung po yung sinasahod ko po dun binibigay ko po sa kapatid ko. Pantulong na rin po sa pag-aaral nila”, pagkukwento nis a isang panayam ni Boy Abunda.

photo credit to kaori_oinuma | ig
Palipat-lipat din umano sina Kaori at ang kanyang pamilya sa Japan at sa Pilipinas kaya nahirapan din itong mag-adjust noon. Noong apat na taon siya ay umuwi sila dito sa Pilipinas at bumalik uli ng Japan noong labintatlong taong gulang ito.

photo credit to kaori_oinuma | ig
“Noong 13 po wala po akong alam na Japanese, di po ako makapagsalita, di po ako makapagbasa at makapagsulat,” pahayag pa nito. Nahirapan umano ito noong lalong-lalo na sa kanyang pag-aaral at madalan na lamang syang mapag-isa hanggang sa natuto at gumaling na din ito sa Japanese sa Senior High School.
Dahil sa nakapag-adjust na ito ay nagkaroon na din sya ng mga kaibigan at naging isa pang mahusay na manlalaro sa basketball.