Minsan ang buhay ng mga artista ay napakahirap. Kailangan nilang maging huwaran na tao sa harap ng kamera, hindi dapat nakikitaan ng mga negatibong bagay dahil mabilis itong kumalat at nagiging tampulan ng panghuhusga ng mga tao. Sila na marahil ang mga taong wala na halos privacy o kung mayroon man ay napaka-limitado.

credit to ylonagarcia | ig
Naging usap-usapan ngayon sa social media ang sikat na singer na si Ylona Jade Garcia o mas kilala sa pangalang Ylona Garcia. Una itong nakilala sa pagpasok nito sa Pinoy Big Brother House noong 2015, lalo na noong naging love team sila ni Bailey May.

credit to ylonagarcia | ig
Si Ylona ay isang Filipino-Australian. Siya ay anak nina Peter Garcia at Caridad Navalle-Garcia na ngayon ay nakatira sa Australia. Ayon sa ilang mga ulat, mahigit dalawang buwan na itong nasa Australia upang doon muna manirahan kasama ang kanyang pamilya.

credit to ylonagarcia | ig
Sa murang edad nito na 18 taong gulang, nakakabilib ang kanyang sipag at mga papanaw sa buhay. Ngayon na namumuhay ito sa Australia at walang kamera na nakabantay sa kanya, marami ang nagulat at namangha nang ibinahagi nito ang kanyang bagong trabaho at buhay doon.

credit to ylonagarcia | ig
“Life has been pretty hectic amidst the pandemic and everything that’s basically going on in the world. For me, I think it’s all about perspective,” pahayag ni Ylona.
“Living life in the limelight and living life out of that sort of bubble, it doesn’t make a difference to the goals I’ve set in my mind”, wika pa nito.
Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ito sa McDonald’s sa Australia. Nagbahagi din ito sa IG na suot ang kanyang uniform sa trabaho at nagwika na “an eight hour shift got me like…”

credit to ylonagarcia | ig
Ayon sa aktres, bago pa man nito pinasok ang showbiz ay pangarap na nya na makatrabaho sa isang fast food restaurant.
“Before entering the entertainment industry, I’ve always wanted to work at McDonald’s. Now that I have the chance and time, I just went for it and I’m learning a lot. I feel absolutely blessed and am very much grateful for their support,” paglalahad nito.

credit to ylonagarcia | ig
Bukod sa kanyang trabaho, abala rin ngayon si Ylona sa kanyang pag-aaral at pagpunta sa studio. Patuloy pa rin ang kanyang pagkanta.