Isang nakakaiyak na surpresa ang ginawa ni Dimples Romana at ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee para sa kanilang kasambahay na matagal nang nakatira at namamahala sa loob ng kanilang tahanan.
Ayon kay Dimples, umabot na ng 17 taon na naroon si ate Vilma sa kanilang bahay at naging malaking bahagi na ng kanilang buhay.
Wika pa ng aktres ay parang kapatid na daw ang turing nito kay ate V, at ang kasambahay talaga ang tunay na nanay sa kanilang bahay dahil sya umano ang nag-aalaga talaga sa kanilang mga anak, at namamalakad sa buong bahay.
Ang buong akala ni Ate Vilma ay gagawa lang sila ng vlog ni Dimples at kasali sya sa gagawin na video. Ang akala nito ay babayaran lang din sya ng P6000, 00.00.
Naisipan daw umano na surpresahin ni Boyet at Dimples si ate V dahil sa kanyang pananatili sa kanilang pamilya sa gitna ng marami nang pinagdaanan. Kahit na nagkaroon ng pagkakataon na alanganin sila sa pinansyal, hindi daw sila iniwan ni ate V kahit na umabot ng 7 buwan na hindi raw nabigyan ng sahod.
Wika din ni ate V sa vlog na sobrang bait daw ng mag-asawa sa kanya at hinahayaan lang sya mga gagawin nya at kinukuhaan nila ng advice at opinyon pati na rin sa mga properties na binibili nila.
Kaya ang akala ni ate V noong araw na iyon ay humihingi lang sila ng advice tungkol sa bahay na bibilhin kunwari ng mag-asawa upang paupahan.
Nagulat na ito noong pumasok sila sa isang kwarto kung saan mayroong mga balloons at malaking standee na imahe ni ate V at sa pader ay may nakalagay na “ Oo, para sayo ito”.
Napaiyak talaga sa tuwa si ate V sa kanyang hindi inaasahang malaking sorpresa galing sa mag-asawang Dimples at Boyet.
Ayon naman kay Dimples at Boyet, matagal na daw nila nais makabawi at makapagbigay ng pasasalamat kay ate V dahil hindi biro ang kanyang serbisyo sa kanila sa loob ng 17 taon. Kaya naman hindi na sila nagdalawang isip na bilhan ito ng kanyang sariling bahay.