Hindi maiwasan ng ating mga magulang na malungkot kung tayo ay mawawalay sa kanila. Ngunit sa pamamagitan nito, natututo tayong tumayo sa ating sariling mga paa. Marami tayong malalaman o matutuklasang mga bagay-bagay kapag tayo na mismo ang gumagawa ng mga ito.
Ganito rin ang mindset ng Kapamilya aktres na si Dimples Romana. Kamakailan ay nagbahagi ito ng larawan ng kanyang anak na si Callie Ahmee. May hawak itong susi — susi ng magiging sarili niyang unit.

“Sharing with you a milestone we’re super proud of Ate is now officially a young independent woman entrepreneur, college student, future pilot/beauty queen & supermodel (Tama naman! Never limit yourself right ate?) Ate gets the keys to her very first personal space, her own little home that she’s going to live in for a few months to practice — sleeping alone, cooking on her own, looking out for herself, cleaning up etc before she actually leaves for to live and study there.” ito ang kanyang caption sa kanyang naging post.

Kitang-kita naman na naging mabuting mga magulang ang mag-asawang Dimples at Boyet. Maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang anak, kitang kita sa mga achievements kahit sa murang edad pa lamang ang anak.
Bahagi rin ng aktres na sinadya nilang maghintay ng 12 years bago nila sundan ang kanilang panganay na si Callie sa kadahilanang nag-ipon muna daw ang mag-asawa.

“It’s no secret that @papaboyetonline and I married young and had ate Callie young too but many wonder why we waited 12 long years to decide to have another child (si Alonzo) and the main reason for that ay nag-ipon muna kami. We wanted to give Callie a life that was not extravagant, just simple but had everything she needs and maybe here and there a family trip to a place we’ve all never been to, a nice adventure, a hobby and then some donut.

And when we felt kahit papano we have already prepared enough for when this time comes that we had to give her our ultimate gift to her as parents, the freedom to choose her own path in college, as an adult, as a woman, maibibigay na namin, that’s the only time we decided to have our Alonzo.” pahayag pa ni Dimples.

Napakaimportante talaga na mabigyan ng kalayaan ang mga anak na piliin kung anong gusto nilang i-pursue, basta ito dapat ay maayos at ligtas para sa kanila.