Connect with us

Entertainment

Dingdong at Marian, sinurpresa ng mga regalo at nagbigay ng groceries para sa sari-sari store ng mga kasambahay

Ang mga kasambahay ay hindi lamang mga katuwang kundi bahagi na din ng pamilya. Minsan sila pa ang may mas maraming oras sa ating mga anak at nag-aalaga ng maayos, kaya naman hindi basta-basta ang trabaho na kanilang ginagampanan.

photo credit to dantes family | ig

Ang celebrity couple na sina Marian Rivera Dantes at Dingdong Dantes, minabuti na bigyan ng sorpresa ang kanilang mga kasambahay na matagal na ding nagseserbisyo sa kanila lalo na sa pangangalaga ng kanilang mga anak at pamamalakad sa loob ng bahay.

credit to Marian Rivera | Ig

Sa kanilang IG post, ipinakilala ng mag-asawa ang kanilang mga kasambahay na sina Ate Glenda, Kuya Jhun, and Ate Cecile. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng regalo mula kay Yan at Dong.

Si Ate Glenda na nag-aalaga sa panganay na anak na si Zia ay nakatanggap ng bagong bisikleta. “Malaking bagay po ‘yung bike na ‘yun na napanalunan ko, kasi syempre po, ‘yung bike po na ‘yun, magagamit po ng inay o ang pamangkin ko papunta sa labas, kasi malayo po kasi kami sa kalsada, kaya kailangan din po namin o nila ng masasakyan para magpunta ng kalsada,” pahayag nito.

credit to Marian Rivera | Ig

Samantala, m alaki naman ang pasasalamat ni Kuya Jhun, isa sa mga pinakamatagal nang kasambahay ng mag-asawa. Siya ay nakatanggap ng isang bagong laptop na mayroon wi-fi connection. ““Napakalaking bagay. Lahat ng mga anak ko, gumagamit ng cellphone sa kanilang online school. Eh ‘yung gumagana lang d’un ‘yung cellphone ng asawa ko. Eh, ilan ang mga anak ko? Anim!” saad ni Kuya Jhun.

credit to Marian Rivera | Ig

Si Ate Cecile naman ay nakatanggap ng isang bagong TV para sa kanyang pamilya. Labis labis din ang kanyang pasasalamat sa kabaitan ng mag-asawa. “Si ma’am Marian talagang kung ano ‘yung pananalita niya sa TV ganun din po sa personal. Wala rin po akong masasabi sa kanya, napakabait nilang mag-asawa,” wika pa nito.

Bukod pa sa mga bagong kagamitan na niregalo ng mag-asawang Dindong at Marian, binigyan din nila ng mga groceries ang kanilang mga kasambahay upang makapagsimula sila ng sari-sari store at makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang mga pamilya dahil batid din ng mag-asawa ang hirap ng buhay ngayon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending