Kapag may kakayanan kang tumulong, kahit gaano man ka liit kapag nagbahagi sa kapwa ay maituturing ng malaking tulong.
Nakakabilib ang mga taong tumutulong sa iba na hindi naman kaano-ano o hindi kakilala. Isa na rito ang host at atletang si Gretchen Ho na namimigay ng mga bisikleta at mga groceries sa mga “no work no pay”na mga empleyado lalo na ang mga labis na nangangailangan.

Sa kanyang IG ay ibinahagi nito ang isang recipient na si “Tatay Bong,” isang streetsweeper na nakatira sa isang maliit na bahay sa Cubao, Quezon City. Si tatay Bong ay may tatlong anak. Napag-alaman ni Ho sa kanyang personal na pagbisita na ang pamilya ay walang tubig at kuryente dahil narin siguro sa walang trabaho si tatay Bong.

“Sa madilim na sulok na ito sa Cubao nakatira ang streetsweeper na si Tatay Bong at ang kanyang mga anak. Ilang taon na rin silang walang kuryente at tubig” paglalahad ni Ho.
“Para makaraos sa distance learning, dito sa labas ng bahay, sa ilalim ng poste, nag-aaral ang mga bata. Nung dumating kami sa lugar huhu nahulog pa si tatay habang iniinstall yung bagong solar lamp. Madilim kasi. OK naman siya. Biniro ko na lang. Sabi ko, ‘tay, sa bawat sakit may ginhawa,” dagdag pa nito.

Maliban sa pagbigay ni Ho ng bisikleta ay binigyan din nya ang pamilya ni tatay Bong ng solar lights, electric fan, gas stove, at mga groceries na ibinahagi din ng ibang mga netizen sa pamamagitan ni Gretchen Ho.
“Yung folding bike na bigay namin, kakabitan daw nila ng cart para maging fishball vendor na lang si Tatay, at mabantayan niya ang mga anak!” wika ni Ho.

Sa kanyang latest post patungkol sa kanyang adbokasiya, nabanggit ni Gretchen Ho na dumarami na ang nagpapaabot ng tulong para sa mga nangangailangan.
“Amazed with the generosity that overflows through our #DonateABikeSaveAJob project 😍 It even crosses networks!

Thank you to @UnangHirit’s @lynching7 for gathering 26 bike donations from her family & neighbors!! And to @mars_suzi and @paoloabrera for donating as well 😊😊😊
ICA BATCH ’78 sponsored another 15 frontliners from this batch in Makati.

Attached are the lists of donors from MAKATI & an addendum to TAGUIG CITY donors to include PRIMER GROUP, @brotherbosanchez & Sev Sarmenta. These total 100 bikes (100 families).
If you could only see how happy they were and how much relief, you brought our new riders. MARAMING, MARAMING SALAMAT 🙏🏻 — wika ni Gretchen Ho, sa kanyang IG account.