Isa sa hiling ng mga ina ang umasaenso ang mga anak. Makita lamang nilang maayos ang buhay ng kanilang mga anak ay masaya na sila at wala ng mahihiling pa. Ang pag-aalagang ginawa ng ating mga magulang ay walang katumbas na kahit na ano kundi purong pagmamahal sa atin. Kung kaya naman ay nararapat lamang na sila ay suklian sa kanilang nga sakripisyo sa atin mula pagkabata.
Ito man ay hindi naman sapilitan ngunit bilang ganti din sa kanilang ginawa para sa atin ay nararapat lamang na ibalik din natin kahit sa mga simpleng bagay lamang. Kagaya na lamang ng kakaupload lang na video ng isang aktor sa pagsurpresa niya sa kaniyang nanay.

Ang aktor na si Edgar Allan ay sinurpresa ang kanyang ina ng bahay. Ito ay regalo niya nitong nakaraang pasko. Sino nga bang nanay ang hindi masusurpresa kapag niregaluhan ng ganitong kalaking regalo. Bahay na kung saan ay matatawag nilang kanila na at sama sama silang maninirahan.

Napakabait na anak ni EA. Lahat ng pagod at sakripisyo niya sa pag-aartista ay talaga namang nabayaran sa kanyang naipundar na ito. Isang investment na kung saan ay hindi ka malulugi o maloloko. Investment na pang habangbuhay.
Gulat na gulat ang ina at wala ng nasabi o nagawa kayat umiyak na lamang sa labis na galak. Matagal na pinag-ipunan ito ng aktor at matagal na din niyang pangarap ang magkaroon ng bahay. Sa surpresang ito ay kasama ni EA ang kanyang girlfriend na si Shaira Diaz at ilang kaanak nila.

“About last night. Pricesless moments of my life! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA.” Wika ni EA.
Ikinatuwa ito ng mga showbiz friends ni EA na tulad nila Rayver Cruz, Yasmien Kurdi,Jasin Abalos, Kris Bernal, Heart Evangelista, Julie Ann San Jose,Mavy Legaspi, maging ang kanyang kasintahan na si Shaira Diaz at marami pang iba.

Damang-dama din ang sayang naramdaman ng mga malalapit na kaibigan ni EA na sila Michael Pangilinan, Lovely Abella, Jolina Magdangal, Dianne Medina at Angeline Quinton ng mapanuod ang live video.
“Naiiyak ako anu ba EA. Congratulations. Maligayang Pasko Nanay.”, loveangelinequinto
“Awww Ga merry christmas, grabe pati ako umiiyak. Congrats nakaka PROUD ka!,”lovelyabella

“Naluha ako! Congrats Ea.” Mariajolina
“Naiyak ako!! Ramdam ko to kapatid! Mahal ko kayo. Keep it up!! Proud na proud ako sayo boy!!! Pure love utol”!” khel.pangilinan
Source: Edgar Allan Poe Instagram